Isang 25 na taong lumang bus ang ginawang bahay ng mag-asawang ito



Para sa mga nag-aasawa, isa sa mga pagsubok ay ang paghanap ng maayos na bahay. Hindi na biro ang magkaroon ng sariling bahay dahil sa kamahalan ng presyo. Kaya ang iba ay nagsusumikap makaipon upang magkaroon ng sarili nilang tahanan.



Pero para sa mga wala pang pambili, ang iba ay nangungupahan. Ang mag-‘rent’ ay may kamahalan na rin ngayon. Bukod pa sa monthly na binabayaran, hindi mo din masasabi na pagmamay-ari niyo ang bahay.




Pero may mag-asawa na taga-Georgia ang gumawa ng paraan upang makatakas sa pang-upa ng bahay. Sa diskarte nilang ginawa ay nagkaroon sila ng sarili nilang bahay. Ang dating umuupa sa Atlanta ng 1,000 square foot na isang apartment ay may sarili ng tahanan. Ito ay sa pamamagitan ng isang 1990 Blue Bird Bus na ginawa nilang bahay. Kahit na maliit ang bus na may sukat na 250 square foot, napaganda nila ito ng sobra upang maging kaaya-aya sa paningin nila at ng ibang tao.




Ang nasasabing mag-asawa ay sina Andrew ay Julie Puckett na parehas na Folk band na musikero. Noong una ay iniisip ng mag-asawa na bumili ng maliit na bahay pero sila ay umatras ng maisip nilang kulang ang kanilang budget.





Dahil napag-alaman ni Julie ang ginagawa ng ibang tao na ginagawang bahay ang mga lumang school bus, agad na minungkahi at pinagusapan ng magasawa ang pagbili ng ganitong klaseng tirahan. At sa pagkakasundo ay sila ay napabili ng bus upang gawing bahay.

Gumugol ng limang buwan ang paggawa ng bahay na bus. Nabili nila ang lumang school bus sa halagang $10,000 at ang pagpapagawa naman ay $1,000. Sinuportahan din sila ng kanilang pamilya sa naging desisyon nila at tumulong pa sa pag-ayos ng bahay. Kaya ang pagsisikap nila ay nabiyayaan ng kagandahan ng kanilang bahay na bus.



Ang bahay na bus ay mayroong kwarto, paliguan, maliit na kusina, at maliit na mga kabinet. Ang kanilang palighan ay mayroon ding water heater. Ang sahig naman ay gawa sa kahoy.

Ang kanilang ginawa ay tunay na ikina-ginhawa sa buwanan na gastusin dahil hindi na sila nangungupahan.





error: Content is protected !!