Isang batang nagba-bike ang naka-sagasa ng sisiw, dinala niya ito sa ospital upang magamot



Minsan napapadaan tayo sa mga kalsada at nakaka-pansin ng mga hayop na tumatawid. Ang iba dito ay nasasagasaan ng mga sasakyan at pinababayaan na lang. Karaniwan pa nga sa mga hayop na nadadali ng mga sasakyan ay mga aso at pusa.


Isang tamang gawain ang huminto at bumaba ng sasakyan kung sakaling aksidenteng maka-sagasa ng tao! Pero paano kapag hayop ang nasagasaan? May humihinto ba? Masasabing bibihira lang! Pero isang anim na taong gulang na bata ang nagiging sikat ngayon sa social media dahil sa pagiging mapagmahal niya sa buhay. Dahil sa kagustuhan niyang mailigtas ang nasagasaang sisiw



Siya si Derek Lalchhanhima na taga Sairang sa northeastern state ng Mizoram, India. Nangyari ito noong siya ay nagbibiskleta at aksidenteng nasagasaan niya ang isang sisiw. Sa kagustuhang iligtas ang kawawang sisiw, siya ay sumugod sa ospital at dala niyang ipon na 10 rupees (US$0.14) upang ipang-bayad sa gamutan ng sisiw. Sa ospital ay nagmaka-awa ang anim na taong gulang sa isang medical staff upang iligtas ang nasagasaang sisiw. Ang nars ay kinunan ng litrato ang nakaka-tuwang bata na may nagmamaka-awang itsura.

Ang tatay ni Derek na si Dhiraj Chhetri na isang pulis ay ikinuwento ito sa isang kaibigan na nagnganhalang Sanga. Si Sanga ang naging dahilan upang ma-post sa Facebook na may caption na:
“I’m laughing and çrying all at the same time,” Sanga wrote, explaining what happened.



Idinagdag pa ni Sanga na si Derek daw ay nakiki-usap sa kanyang magulang na dalhin ang sisiw sa ospital. Pero sinabi ng mga magulang na siya ang magdala dahil siya ang may kasalanan. Nakakatuwang isipin na sa murang edad ay ganito na niya pinahahalagahan ang buhay. Ang kanyang pagmamahal sa hayop ay nagbunga ng parangal sa bata. Makikita ang ilang larawan na mayroon siyang suot na shawl at may parangal na certificate dahil sa ipinakita niyang pagmamahal sa hayop.




error: Content is protected !!