Nagpasalamat ang taho vendor na ito sa lahat ng mga loyal customer matapos niyang makapagtapos ng kolehiyo!



Maraming mga tao ang basta basta na lamang humuhusga sa kanilang kapwa base sa kanilang panglabas na itsura, trabaho, o antas sa lipunan. Halimbawa na lamang ang mga taong mayroong mababang trabaho at hindi na kinakailangan pa ng skill o di kaya naman ay mga taong hindi nagtatrabaho sa opisina o kompanya na nakukuntento na lamang sa kanilang maliit na kinikita.


Ngunit lingid sa ating mga kaalaman na bawat isa sa kanila ay maaari din namang nangangarap na makamit ang kanilang mga pangarap o di kaya naman ay makapagtapos ng kanilang pag-aaral. Tulad na lamang ni Lemuel Valencia Espiritu na nakapagtapos ng BS Information Technology nang dahil sa pagtitinda niya ng taho.




“TAHOOO!!! Yan yung araw araw na naririning sakin ng mga tiga samin sa loob ng apat na Taon. Hindi ko na pahahabain pa Hehehe Nag Papasalamat ako una Syempre Kay LORD, sa Pagbibigay sakin ng chance na makapag aral at makapag tapos sa pagbbgay ng strength sa pang araw-araw na pagtitinda ko ng Taho, ng Sipag at Tiyaga at higit sa Lahat ang Makapag bigay tulong sa kapwa ko mag aaral. Mag papasalamat din ako Syempre Saking Pamilya Lalong lalo na sa NANAY kong Mapag mahal MA! Heto na Graduate na si Bunso!”


Bukod sa lubos niyang pagpapasalamat sa kaniyang mga suki at sa mga taong tumangkilik sa kaniyang panindang taho, ay hindi rin siya nakalimot na pasalamatan ang mga taong tumulong sa kaniya noong mga panahong wala siyang pera na pamasahe o kaya naman ay pangbaon lalo na ang kaniyang ina at ama.


Tunay ngang isa siyang inspirasyon sa maraming mga kabataang Pilipino ngayon. Nagbunga rin ang kaniyang pag-iipon ng pera na pangtustos para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo.



Sa umaga ay taho vendor habang sa tanghali naman ay estudyante, sinong mag-aakalang makakamit niya rin ang bunga ng kaniyang paghihirap!




error: Content is protected !!