Sundalong ama dumalo sa moving up ceremony ng anak nang nakasuot ng kaniyang uniporme, umani ng samu’t-saring mga reaksyon mula sa publiko!



Maraming mga magulang ang nagnanais makita ang kanilang mga anak na naglalakad sa entablado sa kanilang “moving up ceremony” dahil sa ang tagumpay na ito ng kanilang mga anak ay tagumpay din nila bilang mga magulang.



Ito marahil ang ginawa ng isang ama na sundalo na nagmadaling dumalo sa moving up ceremony ng kaniyang anak sa junior high school. Dahil wala na siyang oras pa na magpalit ng kaniyang damit ay agad na siyang nagtungo sa moving up ceremony ng kaniyang anak. Kung maraming mga tao ang humanga sa dedikasyon at pagmamahal ng sundalong ama sa kaniyang anak ay marami din naman ang nagkunot noo sa pangyayaring ito.


Ayon sa ibinahaging post ng estudyanteng si Rashian Erica Dematera noong ika-apat ng Abril ay umani ng maraming mga reaksyon mula sa publiko. Ayon sa kaniya, nagmadaling makarating ang kaniyang ama sa Mariveles National Highschool sa Bataan kahit pa mayroon itong trabaho sa Nueva Ecija. At dahil sa matinding pagod ay hindi na nito nagawa pang makapagpalit ng kaniyang uniporme. Nadinig ng anak ang isang babae na nagsabing diumano ay “pasikat” daw sila kung kaya naman pumunta ang kaniyang ama sa kanilang pagdiriwang ng nakasuot ng unipormeng pangsundalo. Ang hindi alam ng babaeng yaon ay nagkumahog lamang ang ama para makapaglaan ng oras sa pinakamahalagang araw n kaniyan anak.


Labis naman na nagpasalamat ang anak sa kaniyang ama dahil sa kabila ng obligasyon nito sa bayan ay hindi pa rin ito nakakalimot na dumalo sa mga importanteng araw para sa kaniyang mga pamilya at mga anak gaano man siya kaabala o kapagod sa trabaho.



Kung maraming mga magulang ang sobrang nagiging abala na sa kanilang mga trabaho, nakakamanghang malaman na mayroon pa ring tulad ng tatay ni Rashian na hindi alintana ang pagod at hirap ng trabaho maging parte lamang ng tagumpay ng kanilang mga anak.