Alex Gonzaga at Fifth Solomon kumasa sa sa “Mag-jowa for 24 hours challenge”!



Alam niyo ba ang mga sumisikat na challenge sa social media? Kamakailan lamang ay pumatok sa panlasa ng publiko ang ginawang challenge na ito ni Alex Gonzaga sa kaniyang YouTube channel. Talaga namang tawang-tawa ang marami sa kakulitan nila ni Fifth Solomon. Si Alex Gonzaga ay isa sa mga hinangaang personalidad sa industriya ng show business ngayon.



Hindi na kataka-takang marami siyang tagasuporta at tagahanga at maging ang kaniyang YouTube channel ay umani na ng maraming mga tagasubaybay. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang vlog kung saan itinampok niya ang matalik niyang kaibigan na si Fifth Solomon sa kanilang “Mag-jowa for 24 hours challenge”.




Si Fifth Solomon ay una nang nakita noon sa Pinoy Big Brother nang siya ay maging isa sa mga housemate ni Kuya. Naging usap-usapan noon ang pag-amin niya bilang isang bi-$exual.




Kung kaya naman labis na nakapagdulot ng kasiyahan sa publiko ang kanilang video bilang diumano ay “magjowa” o magkasintahan. Sinubukan nang dalawa na magsipilyo, matulog at gumising sa iisang kama ng magkatabi, magkasamang kumain at nagsubuan, mamasyal at nagsuyuan na tila ba tunay na magkasintahan. Ngunit nauwi din ito sa hiwalayan matapos lamang ang 18 oras! Hindi na nga sila nakatiis at itinigil na nila ang nasabing challenge.





Marami ang naligayahan, natuwa, kinilig at kinilabutan sa kanilang ginawa kung kaya naman hindi rin napigilan ng mga netizen na magbigay ng kani-kanilang komento sa nasabing video.

Mayroong nagnanais na maulit pa ang ginawang video ni Alex kung saan si Mikee, ang kaniyang business man na nobyo sa totoong buhay. Ang ilang netizen naman ay ibinahagi kung gaano sila kasaya at katuwa sa mga kalokohan at kakengkoyan ng dalawang magkaibigan.



Tiyak na mas marami pa ang susubaybay sa mga nakakatuwang video ng aktres at TV host na si Alex Gonzaga. Si Alex Gonzaga ay kilala rin bilang si Catherine Cruz Gonzaga sa tunay na buhay.





error: Content is protected !!