Isang pag-aaral na nagpapatunay na mas mahusay magtago ng kalokohan ang mga babae kaysa kalalakihan, usap-usap ngayon!



Ang panloloko o pandaraya sa isang minamahal ay hindi magiging tama kailanman. Maaaring sa umpisa ay hindi ka mahuhuli at maisakatuparan mo pa ang mga bagay na sa tingin mo ay ikaliligaya mo ngunit sa aminin man natin o hindi tiyak na mahuhuli at mahuhuli ka din sa bandang huli.



Ito ay patungkol sa mga kalalakihan at kababaihan. Ngunit isang pag-aaral ang nagpapatunay na mayroong pagkakaiba sa mga kasariang ito tungkol sa panloloko sa kanilang mga karelasyon at sa pagkakahuli sa mga ito. Ayon sa mga Siyentipiko, mahirap para sa mga kalalakihan ang masabing niloloko sila ng kanilang mga nobya o asawa sa pagtingin lamang sa mga mukha ng mga ito, sa kabilang banda naman ay mas madali sa mga kababaihan na mahuli ang kanilang mga asawa at nobyong nagloloko sa pagtingin lamang sa mga mukha ng mga ito.


Isa eksperimento nga ang isinagawa sa University of Western Australia ng ilang mananaliksik kung saan mayroong grupo ng 1,500 katao ang pinakitaan ng 189 na mga larawan ng mga Caucasian adult (101 men and 88 women), na nauna nang tinanong kung naging tapat ba sila sa kani-kanilang kapareha o hindi. Ang mga kasali sa nasabing eksperimento ay sinabihang markahan ang mga nasabing mukha mula sa 1 hanggang 10, 1 ang tiyak na hindi matapat at 10 naman ang talagang faithful. Ayon sa pag-aaral, naipakita ng ginawang eksperimento na parehong may kakayahan ang mga babae at lalaki na malaman kung nagloloko ang isang lalaki ngunit hindi agad mahahalata o mababasa ang mga kababaihan na nagloloko sa kanilang mga kasintahan o asawa. Sinasabi din ng pag-aaral na ito na kahit ang ibang mga lalaki ay kayang sabihin kung ang kapwa nila lalaki ay nagloloko ngunit hindi kayang mabasa ng ibang mga babae ang kapwa nila babae. Tiyak na maraming mga kababaihan ang magkokomento patungkol sa pag-aaral na ito.




error: Content is protected !!