Nakakakilig na mensahe ni Ai-Ai delas Alas sa kaniyang mister para sa ikalimang taon nilang anibersaryo nagpakilig sa publiko!



Si Ai-Ai delas Alas o kilala din bilang si Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan ay isang aktres, host, komedyante, recording artist, producer at singer. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang ikalimang anibersaryo nila ng kaniyang mister na si Gerald Sibayan. Sino nga namang mag-aakala na mahahanap niya rin ang tunay niyang pag-ibig.



Kinakiligan nga ang video ng kanilang kasal at ang kaniyang mensahe para sa kaniyang mahal na mister. Diumano’y nagsimula ang lahat nang ipakilala sila sa isa’t-isa ng isang “common friend” na nagngangalang Pao.


Noong una ay tuksuhan pa nga lamang at hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang binata dahil hindi niya tipo ang maitim. Ngunit ang chubby, chinito, at maitim pala na ito ang bubuhay sa akala niya ay namatay na niyang puso. Dagdag pa ng batikang komedyante, si Gerald ang unang nagtext sa kaniya ay ayon din sa kaniyang Ate Joan ay crush siya nito.


Bagamat malaki ang agwat ng kanilang edad ay naging magkaibigan ang dalawa at ang laro na badminton nga ay nauwi sa pagmamahalan. Inspirasyon ang mag-asawang Ai-Ai at Gerald na walang pinipiling edad o di kaya naman ay panahon ang tunay na pagmamahal. Ito ay nasa dalawang tao pa rin na nagnanais magsama, magmahalan at magpatuloy ng buhay ng kasama ang isa’t-isa sa kabila ng maraming mga pagsubok at hirap ng buhay.



Tunay ngang hindi lahat ng mga relasyon ay nauuwi sa lokohan, sa hiwalayan o sa pagkakasawaan. Mayroon pa ding mga pagsasamang pinagpapala ng Panginoong Diyos dahil sa wagas at tunay na pag-iibigan ng dalawang tao mayroon pang pagkakaiba o hindi pagkakahalintulad. Nakakamanghang malaman na kabila sa agwat ng kanilang edad ay mapapansin at makikita mong mahal talaga nila ang isa’t-isa.

Inspirasyon sila sa mga taong katulad nila na nagmamahalan din at sa mga mag-asawang nagsisimula at tulad nila ay matagal ba ring nagsasama. Tunay ngang sa kabila ng maraming pagsubok ng buhay ay hindi pa rin nawawala ang pag-ibig at pagmamahalan na una nilang naramdaman sa isa’t-isa.

 

View this post on Instagram

 

Ngayun at kailanman sumpa koy iibigin ka .. @gerald_sibayan

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on






error: Content is protected !!