“Okay lang ako masaktan…” Mga katagang sinabi ni Ion Perez kay Vice Ganda



Isa sa mga mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang napag-uusapang relasyon nila Vice Ganda at Ion Perez. Ito ay nagsimula noong nagpakita ng mga litrato ang dalawang ito na magkasama. Kaya samut-saring mga reaksyon ang ibinahagi ng mga netizens patungkol sa umuusbong na relasyon nilang dalawa.


Dahil isa si Vice Ganda sa mga kilalang celebirties na miyembro ng LGBT, ang kanyang imahe at tagumpay ay nagiging inspirasyon ng kapwa niyang miyembro nito. Para sa ilan, sobrang kinikilig at masaya para kay Vice Ganda. Pero sino ba naman ang hahadlang sa taong may kagustuhang maging masaya upang mahalin ang katulad nila.




Si Vice Ganda at Ion Perez ay parehas na kabilang sa kilalang-kilala na noontime show na “It’s Showtime”. Kaya naman nagiging kaabang-abang ang mga eksena kung saan ay nagkakasama at nagkaka-usap silang dalawa. Mapapansin din ang pagpapakita nila ng lambing sa isat-isa.  May isang palabas ang programang ito na nagbigay kilig sa mga manunuod. Ito ay naganap noon sa segment ng programa na “Kaparewho” ng may itanong si Vice Ganda at ito naman ang isinagot ni Ion Perez sa kanya:


“Okay lang ako masaktan, maging masaya ka lang. Doon ko ipaparamdan sa taong mahal ko na sobrang importante siya sa akin. Isa-sacrifice ko ang lahat tulad ng masaktan man ako nang paulit-ulit para maging masaya ka.”

Dahil sa isinagot ni Ion Perez, hindi mapigilan ng madlang pipol na tumili at kiligin sa mga binitawan niyang salita. Maging si Vice Ganda na pilit itinatago ang emosyon ay siguradong kinilign sa sinabi ni Ion sa kanya.




Sinabi ni Vice Ganda kay Ion na baka “naglolokohan” lang sila. Pero iginiit ni Ion Perez na hindi siya nakikipag biruan at seryoso siya sa kanyang sinasabi. Ang kanilang relasyon ay hindi pa kinukumpirma ng dalawa. Pero dahil sa nakikita ng tao na lambingan nila, natutuwa na rin ang iba dahil masaya si Vice Ganda.





error: Content is protected !!