Sila ang ilan sa mga magagandang celebrities na morena



Madalas na hinahangaan ang mga artistang nagtataglay ng kaputian ng balat. Madalas makita ito sa mga tv commercials lalong lalo na sa mga beauty whitening na mga produkto. Kadalasan din ay nagugustuhan ng mga kalalakihan ang pagka-flawless ng isang babae dahil malinis itong tignan.

Para naman magbago ang pananaw sa tunay na kagandahan, may ilang mga tao ang magpapatunay na ang kagandahan ay hindi nasusukat sa kulay. Kahit morena ang isang babae ay siguradong maraming hahanga dito kung may taglay namang tunay na kagandahan.



Ito ang ilan sa mga magagandang morena na celebrities:

1. Lovi Poe



Ang kagandahan ni Lovi Poe ay hinangaan ng maraming tao. Sa taglay niya na maamong mukha at magandang pangangatawan siguradong maraming kalalakihan ang humahanga sa kanya. Sa katunayan ay madalas magingn modelo si Lovi sa mga sikat na magazines. Marami na ring mga pelikula at palabas na rin ang napabilangan niya. Isa si Lovi sa mga hinahangaang morena na masasabing ‘gandang pinay’.

2. Megan Young



Ang nanalong Miss World dati na si Megan Young ay isa rin sa mga halimbawa ng isang magandang babaeng morena. Sa taglay na talino at magandang katawan, siguradong kinahumalingan din siya ng maraming tao. Sa kanyang Instagram account ay inuulan ng papuri ang kanyang kagandahan sa kanyang natural na morenang kutis.

3. Rochelle Pangilinan




Ang sikat na kapuso dancern at aktres na si Rochelle Pangilinan ay isa rin sa mga halimbawa ng gandang morena. Marami rin ang naakit sa ganda ng kanyang mukha pati na rin ang kagandahan ng kanyang katawan. Ngayon ay isa na siyang masayang asawa ni Arthur Solinap at mayroon silang isang anak.

4. Iza Calzado


Isa sa mga magagaling na aktres ay si Iza Calzado. Ang kanyang kagandahan ay nagustuhan ng maraming manunuod dahil sa mala-diyosa niyang mukha. Patunay na hindi lamang mga mestiza ang tunay na namamayagpag sa mga pelikula at palabas.

5. Nadine Lustre




Si Nadine Lustre ang isa sa mga kapamilya aktres na may maraming taga-hanga. Kahit na hindi maputi ang aktres na ito ay maraming endorsement ng mga pamapagandang produkto. Hindi na nakaka-taka kung bakit nagustuhan siya ni James Reid.

Ang tunay na kagandahan ay hindi lamang nasasalamin sa panlabas na kaanyuan. Bagkus, nakikita ito sa kalooban ng isang tao. Ang may busilak na puso ang siyang tunay na maganda. Kaya naman maswerte na ang isang lalaking maka-tagpo ng kanyang kapareha na may parehas na magandang istsura at magandang pag-uugali.




error: Content is protected !!