Kilalanin ang dating sikat at mahusay na aktres na ngayon ay isa nang full-pledge na madre!

Marami nga talagang mga bagay dito sa ating mundo ang hindi kayang maipaliwanag kahit pa gaano katalino o kahusay ang taong iyong mapagtatanungan. Bakit nga ba mayroong ilang mga tao na hinahanap ang kanilang mga sarili? Naghahanap ng lugar kung saan sila ay mas mapapanatag at magkakaroon ng payapang isipan.

Ganun yata talaga lalo na kung nasa magulong mundo ka mapa-show business man yan o di kaya naman ay tunay na buhay wala rin namang kaibahan. Iba-iba man ang ating dahilan sa mga desisyong ating ginagawa sa araw-araw nating buhay, tiyak na ang mga desisyong ito ang makabubuti hindi lamang sa iyong sarili at sa iyong pamilya kung hindi para na rin sa lahat ng taong nagmamahal at sumusuporta sa iyo. Ito marahil ang pinagdaanan ng isang kilala at mahusay na aktres noon na si Chin-chin Gutierrez.

Maria Carminia Lourdes Cynthia Arnaldo Gutierrez sa tunay na buhay, mas kilala sa pangalan na Chin-chin Gutierrez ng publiko o di kaya naman ay Sister Lourdes para sa iba, siya ay ang 49 na taong gulang na dating aktres, “environmentalist”, at isa nang ganap na Carmelite nun.

Siya ay anak ng isang botanist na nagngangalang Dr. Hermes Gutierrez habang pintor naman ang kaniyang ina na si Cecilia Arnaldo. Siya rin ang founding chair at presidente ng ecological foundation na “Alaga LAHAT”, isang organisasyon na miyembro ng Eco-Waste Coalition, founding member at officer din siya ng Mother Earth Foundation.

Bilang isang vegetarian, siya ay lumahok din noon sa isang ad ng PETA ASIA-PACIFIC kung saan sinabi niyang ang mga isda ay kaibigan hindi pagkain. Isa rin siya sa mga popular, mahusay at magaling na aktres ng kaniyang henerasyon.


Ngunit nabigla ang lahat ng iwanan niya ang show business noong 2010 at pumasok siya sa Carmelite Convent. Ayon sa aktres, maraming nangyaring dagok at pagsubok sa kaniyang buhay na ayon sa kaniya ay naging “calling” niya kung kaya niya napagdesiyunang magmadre.



Reply

error: Content is protected !!