Kilalanin ang napakagandang babae na bumihag sa puso ng anak ni Pacman na si Michael Pacquiao!

Tayong mga magulang ay nasisiyahan at naliligayahan sa bawat tagumpay ng ating mga anak. Ito man ay tagumpay sa kanilang pag-aaral o eskwela, sa kanilang trabaho- maging part-time job man o full-time, sa kanilang mga kaibigan at maging sa kanilang mga sinisinta o minamahal.

Tunay ngang hindi madali ang makahanap ng taong seseryoso at magmamahal sayo lalo na kung ikaw ay galing sa isang sikat at prominenteng pamilya. Gaya na lamang ng anak ng ating “Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Talaga namang hinahangaan ang kanilang pamilya hindi lamang sa kanilang tagumpay sa negosyo at sa dami ng kanilang mga ari-arian kung hindi maging sa relasyon nila sa Panginoon.

Hindi lahat ng mga pamilyang katulad nila ay nagkakaroon pa ng pagkakataong makaalala sa Panginoong Diyos lalo kung tila naaabot muna ang lahat ng iyong mga pangarap sa buhay magmula sa pinansyal, sa iyong karera at sa iba pang larangan. Hindi na nakapagtataka na lahat ng mga mata ay sa nakatingin sa bawat ginagawa at sinasabi nila.


Kung kaya naman hindi nakalusot ang anak ni Pacman na si Michael sa mga mapanuring mata ng publiko nang siya ay magpost sa kaniyang social media account kasama ang isang napakagandang dalaga. Napag-alaman ng publiko na ang kasamang dalaga ni Michael sa kaniyang mga pinost na larawan ay ang modelong si Yazmin Aziz.

Isa siyang half-Filipino at half-Malaysian na modelo at mang-aawit mula sa Kuala Lumpur. Higit sa mga larawan na nakikita sa social media at may lalong naintriga ang mga tao sa tunay na estado ng dalawa. Lalo na sa mga palitan nila ng komento at reaksyon sa kani-kanilang social media account.

Maging ang ama ni Michael na si Senador Manny ay nakakasama din ng modelo sa ilang larawan, gayundin ang kaniyang kapatid na si Jimuel. Ano na nga kaya ang tunay na relasyon ng dalawa?



Reply

error: Content is protected !!