Kwento ng isang working student na magkahalong lungkot at saya ang naramdaman sa kaniyang pagtatapos!

Masarap sa pakiramdam magkaroon ng mga taong magmamahal, maniniwala at susuporta sa iyo at sa iyong mga pangarap. Maaaring marami tayong pinagdadaanang pagsubok sa buhay ngunit mas marami din naman ang mga pagpapala at biyayang marapat lamang natin na ipagpasalamat.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang kwentong ito ng isang working student na matapos na makalipas ng ilang taon na pagsusumikap at pagtitiyaga sa pag-aaral ay nakapagtapos din ng kolehiyo.


Siya ay nakilala bilang si Jeric R. Rivas na nakapagtapos ng Bachelor of Science in Criminology sa La Concepcion College San Jose Del Monte Bulacan. Ayon sa kaniyang viral post, nagsumikap siyang magtapos ng kaniyang kolehiyo kahit pa walang sumusuporta sa kaniya ay naglakas loob siyang lumuwas mula sa kanilang probinsiya at makipagsapalaran makamtan lamang ang kaniyang pangarap na diploma. Hindi niya mapigil maiyak sa kaniyang pagtatapos dahil sa dami ng kaniyang pinagdaanang pagsubok at sa samu’t-saring mga trabaho halimbawa ay ang pagpasok niya sa isang pabrika sa Quezon City, pagiging student assistant niya sa kanilang paaralan, naging isang janitor, crew ng fast food, at kalaunan ay naging isang kasambahay.


Nagbalik din sa kaniyang alaala ang mga sandali ng kaniyang pagtatapos noong elementarya at sekondarya pa lamang siya at wala man lamang umaakyat sa entablado upang siya ay samahan at sabitan ng medalya. Talaga namang hindi niya mapigilan ang sariling maiyak ng mga panahong yaon. Hindi mo nga talaga masasabi kung hanggang saan ang iyong pagsusumikap at pagtitiis sa pag-abot ng iyong mga pangarap. Marahil ay sadyang mahirap talaga ang kanilang buhay ay hindi talaga siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang kung kaya naman siya na mismo ang gumawa ng paraan upang maabot ang kaniyang mga pangarap sa buhay.


Sa ngayon ay tiyak na mas magiging maayos na ang kaniyang buhay dahil sa nakapagtapos na siya ng kaniyang kolehiyo. Mas magiging madali na para sa kaniyang maabot pa ang kaniyang mga pangarap hindi lamang sa kaniyang sarili higit sa lahat ay para sa kaniyang mahal sa buhay.



Reply

error: Content is protected !!