Mababait na amo sa kanilang mga kasambahay ang mag-asawang Cheska Garcia at Doug Kramer na umani ng maraming mga papuri sa publiko!

Aminin man natin o hindi, maraming mga amo ang hindi maganda ang turing sa kanilang mga kasambahay. Mayroong mga mapagmalupit, namamahiya o di kaya naman ay hindi nagbibigay ng sapat na sahod sa kanilang mga kasama sa bahay. Ngunit sa kabila ng katotohanang ito ay mayroon pa ring mga tao na mayroong mabuting puso na ang turing sa kanilang mga kasambahay ay isa nang bahagi ng pamilya.


Isa na sa mga ito ang kilalang pamilya nina Cheska Garcia-Kramer at ang kaniyang mister na si Doug Kramer. Sila ay kilala din sa taguri na Team Kramer. Pinuri ng marami ang nakakamanghang video ng mag-asawa kung paano nila tinatrato ang kanilang mga kasama sa bahay. Sa kanilang viral video ay makikitang namimili o nagsashopping ang kasambahay nilang si Josie, na tiyak na hindi rin siya nakalimot na ipamili ang kaniyang mga anak.

Ang isa naman nilang kasambahay ay kasama sina Kendra at ang kaniyang mga amo na kumakain sa isang mamahaling restawran. Sadyang napakabuti ng puso ng pamilyang ito upang hindi itratong iba ang kanilang mga kasambahay sa bahay. Sina Doug Kramer at Cheska Garcia ay mga magulang nina Clair Kendra, Scarlett Louvelle at Gavin Phoenix.


Naging inspirasyon ang kanilang pamilya hindi lamang sa magagandang aral at magagandang asal na itinuturo nila sa kanilang mga anak kung hindi maging sa mabuting pagtrato nila sa ibang tao lalo na sa kanilang mga kasambahay. Hindi na nakapagtataka na ang kanilang pamilya ay mas mamahalin pa ng mga tao at ng kanilang mga kasambahay dahil sa magandang pagtrato nila sa mga ito at maging sa ibang tao pa sa kanilang paligid.

Tunay ngang hindi lahat ng mga magagandang bagay sa mundo ay nabibili ng pera mayroon pa ding mga bagay na mas mahalaga at di hamak na mas importante kumpara sa mga bagay na nabibili sa pamamagitan ng salapi.



Reply

error: Content is protected !!