Sinurpresa ni Vice Ganda si Lola Sally, na may edad na 81, na isang Senior High School Graduate



Ang sikat na palabas na “It’s Showtime” ay nagkaroon ng Lenten Special kung saan ay ipinapakita nila ang ilan sa mga kwentong kapupulutan ng magandang aral. Sa mga ipinakita sa Lenten Special ay may mga iba’t-ibang kwento na aantig at kakatok sa ating mga puso.



Isa sa mga magagandang kwento dito ay ang kwento ni “Lola Sally”. Si Lola Sally ay isang 81 taong gulang na may sampung anak. Bagamat matanda na si Lola Sally, pinangarap niyang makapag tapos ng pag-aaral.

Ayon kay Lola Sally:
“Madaling lokohin ang walang pinag-aralan. Gusto ko talaga matapos ang pag-aaral ko kahit matanda na ako, kakayanin ko.”






Binisita ni Vice Ganda si Lola Sally sa lugar nila sa Makati. Ang kilalang Lola ay ibinahagi ang kanyang karanasan sa pagpasok sa eskwelahan sa pagsusumikap niyang matupad ang kanyang pangarap na makatapos ng pagaaral.


Ikina-bilib ito ni Vice Ganda at namangha sa determinasyong ipinamalas ni Lola Sally sa kabila ng kanyang edad.



Ayon kay Vice Ganda:
“Nahiya ako kasi nung may panahon akong mag-aral, na malakas ako sa pangangatawan ko, inaksaya ko iyong pagkakataon na iyon, ‘di ba? Samantala ‘yung ale, naghahabol.



Idinagdag pa niya:
“Hindi rin sapat na dahilan na matanda na tayo para mawalan tayo ng pag-asa.”

Hindi nakapag-tapos ng pagaaral dati si Lola Sally dahil siya ang panganay at tinataguyod ang pamilya. Ang ama ni Lola Sally ay isang sundalo at ang asawa niya rin ay sundalo din. Nais sana ni Lola Sally na maging Nars ng mga sundalo.

Ibinahagi naman ng naging adviser ni Lola Sally na si Abner Ubiña na isang mabait at maagang pumasok sa klase si Lola Sally.
Sa pagsusumikap ay naka-graduate ng Senior High School sa Fort Bonifacio High School sa Makati City.



Hindi naging hadlang para kay Lola Sally ang kanyang edad upang makamit ang pinpangarap. Ito pa ang idinagdag na mensahe ni Vice Ganda:
“Hindi sapat na dahil na matanda na tayo para isuko ang lahat. Matanda na tayo pero buhay pa tayo,”





error: Content is protected !!