Categories: NewsViral

Batas sa Pilipinas: Bawat Pilipino ay kailangang makapagtanim ng isang puno sa isang taon!

Nakakapagtakang isipin na hindi lahat ng Pilipino ay nakaaalam sa batas tungkol sa pagtatanim ng puno. Ayon sa Section 8 ng Republic Act No. 10176 o kilala din bilang Arbor Day Act of 2012, “All able-bodied citizens of the Philippines, who are at least twelve (12) years of age, shall be required to plant one (1) tree every year.” Ilan kayang mga puno ang hindi naitanim ng bawat isa sa atin mula noong tayo ay 12 taong gulang?


Noong ika-23 araw ng Hunyo taong 2018 ay ipinagdiwang ng AGREA ang National Arbor Day 2018 sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga higit sa isang daan na mga indigenous talisay, mulberry, at puno ng kakawate, nagtipon din sila ng mga local, regional, national, at international na tree-planting volunteers sa AGREA Estate Farm sa Barangay Cawit, Boac, Marinduque. Nilahukan din ito ng Swedish Ambassador to the Philippines na si Harald Fries at ang kaniyang pamilya. Naroon din naman ang mga TESDA scholars mula sa AGREA Farm School, Agriculture Engineering students mula sa Visayas State University of Leyte, Environmental Science students at ang ilang guro mula sa Marinduque State College, mga miyembro ng Youth for Christ, at mga volunteers mula AFS Germany.


Ayon sa Merriam Webster, ang salitang arbor sa Arbor Day ay nangangahulugan na puno o “tree” at ito ay unang ginamit na salita noong 1659.

Ang kauna-unahang Arbor Day sa buong mundo ay ginanap sa isang maliit na nayon sa Espanya na kilala sa tawag na Villanueva de la Sierra noong 1805, isang lokal na pari ang nagpasimula nito na mayroong suporta ng lahat ng kaniyang nasasakupan. Sa Estados Unidos ito ay nagmula naman sa Nebraska City noong 1872. Sa Pilipinas, ang Arbor Day ay idineklara sa Proclamation No. 30 ng dating Presidente Manuel Roxas noong 1947, na ipinagdiriwang tuwing ikalawang Sabado ng Setyembre ng bawat taon sa mga paaralan at komunidad.

Kamakailan lamang ay naideklara ito bilang Republic Act 10176 o ang Arbor Day Act of 2012 na nilagdaan nang noong Presidente na si Presidente Benigno Aquino III, ito ay naging isang batas na naglalayong mabuhay muli ang tree-planting day bilang taunang pagdiriwang para sa lokal na pamahalaan. Kung kaya naman naging ika-25 na ng Hunyo ang pagdiriwang ng Arbor Day sa buong mundo. Ang AGREA ay nagdiwang ng kauna-unahan nitong National Arbor Day sa Marinduque noong June 2016.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago