Ibinahagi ni Vicki Belo ang kaniyang mga adbentahe bilang ina sa edad na 60!



Ibinahagi ni Dra. Vicki Belo o Victoria Gonzalez Belo-Kho na mas na-enjoy niya ang pagiging ina kahit pa siya ay nasa kaniyang edad na 60 na. Isa nga talagang social media star si Scarlet Snow Belo. Sadyang maraming alam na cute at nakakatuwang pasikat si Scarlet para sa kaniyang mga tagahanga.



Kaya niyang sumayaw, kumanta o kahit pa nga yata ang pag-arte sa harap ng camera. Wala nang iba pang magiging proud sa kaniya kung hindi ang kaniyang mga magulang na sina Vicki at Hayden Kho.


Sadyang nakapaswerte ni Vicki na na-eenjoy niya ang lahat ng patungkol sa kaniyang anak na si Scarlet. Ibinahagi ng kilalang celebrity doctor sa kaniyang panayam sa PEP ang kaniyang kaligayahan sa pagiging isang ina lalo na ngayong nakikita niya ang paglaki ng anak na si Scarlet magmula sa unang hakbang nito, unang salita, at lahat ng kaniyang mga milestones ay naeenjoy ng doktora.



Naibahagi din niya na marami siyang hindi naranasan noong siya ay bata pa at talaga namang goal-oriented. Kung kaya naman laking pasalamat niyang mas nakakapaglaan na siya ngayon ng panahon at oras kay Scarlet kumpara noon sa dalawa niyang anak na sina Quark at Cristelle.



Nagbigay din naman siya ng payo sa mga ina ngayon na habang bata pa ang kanilang mga anak ay samantalahin na nila ang pagkakataon na makasama at maenjoy ang kanilang mga anak dahil ang bilis talaga ng panahon at maging ang paglaki nila ay tiyak na mabilis din. At siya nga ay nabigyan pa muli ng isa pang pagkakataon na maalagaan at matutukan ang kaniyang anak.


Malaking panghihinayang din niya noon na siya ay nagtatrabaho pa noong kabataan ng kaniyang mga anak na sina Quark at Cristelle kung kaya naman aminado siyang naging limitado ang mga bagay na kaniyang nagagawa para sa kaniyang pamilya. Ibinahagi rin ng mag-asawang Kho na dapat ding turuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na magdasal, magkaroon ng takot sa Diyos, maging mapagbigay at maasahan.

Maglaan din nang panahon o bakasyon para sa mga anak upang mas makadiskubre pa sila ng ibang mga bagay at sila ay makapaglaro.




error: Content is protected !!