Isang matandang lalaki na nagtitinda ng saging ang binayaran ng pekeng isang libong piso umani ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko!



Sa panahon natin ngayon, hindi natin maipagkakaila na maraming mga matatanda o mga may edad na ang patuloy pa ring nagtatrabaho at kumakayod para sa kanilang pamilya, mga anak at mga apo. Kahit pa sabihin na sila ay nasa dapit hapon na ng kanilang mga buhay, sila ay nagsusumikap pa rin at nagtitiyaga sa kanilang kabuhayan para lamang makalikom ng sapat na salapi sa kanilang pang-araw-araw na buhay.



Kung kaya naman marami ang nagalit ng malaman ang ginawa sa matandang tindero ng saging na ito na binayaran ng pekeng isang libong piso ng isa sa kaniyang mga mamimili. Ang kawawang matanda ay nakilala bilang si Lolo Solomon na nagtitinda ng saging kasama ang kaniyang asawa. Isang concerned netizen na si An Ge Lie ang nagbahagi ng post sa kaniyang social media account tungkol sa mag-asawang matanda na nagtitinda ng saging sa Minglanilla, Cebu dahil sa naisahan sila ng isang mamimili na bumili ng halagang isang daang piso.

Ang kawawang Lolo ay sinuklian ng 900 piso ang nasabing mamimili kung kaya naman natangayan siya ng 900 na halaga ng salapi kasama ng 100 piso na halaga ng saging. Marami ang nagalit sa ginawang ito ng hindi pa nakikilalang customer. Naging masakit man ang nangyaring ito sa dalawang matanda ay nakatulong din naman ang concerned netizen na si An Ge Lie sa pagmamalasakit nito sa dalawang matanda. Nakakolekta din naman siya ng tulong para sa mag-asawa dahil sa pagkakawang-gawa ng iba pang mga netizen. Nito lamang Abril 21 ng dumating ang pinansyal na tulong sa mag-asawa mula sa mga netizen na nagpadala sa bank account ni An Ge Lie.



Marami din naman ang mga natuwa sa ginawang pagtulong ng netizen na ito sa dalawang matanda. Hindi biro ang dinanas nila upang makapagtrabaho lamang ng matiwasay at makapaghanapbuhay para sa kanilang pamilya. Mayroon pa rin pa lang mga tao na nagnanais makatulong sa kanilang kapwa ng walang hinahangad na kapalit.




error: Content is protected !!