Nang malaman niyang may sakit ang Yaya niyang Pinau noon ay agad siyang lumipad papuntang Pinas upang siya naman ang mag-alaga dito!



Kung mayroon mang mga domestic helpers at yaya na mga Pinoy na minamaltrato at inaabuso ng kani-kanilang mga amo, mayroon pa rin namang mga pinalad na makatagpo ng mabubuting loob na amo. Ilan sa mga mapapalad na Overseas Filipino Workers (OFW) na ito ay talaga namang itinuturing na pamilya ng kanilang mga dayuhang pamilya na pinagsisilbihan.


Kamakailan lamang ay natuklasang mayroong stage 4 na kondisyon sa kaniyang obaryo si Remelyn Zubiaga Yumul na kumalat na sa kaniyang baga at appendix ang kaniyang sakit. Nang malaman na malala na ang kaniyang sakit ay agad nang umuwi sa Pinas ang OFW upang makapagpagamot. Siya ay nasa ilalim ng medical care ng Hong Kong habang siya ay nagtatrabaho pa roon ngunit mas minabuti na niyang umuwi. Pinayagan naman agad siya ng kaniyang mga amo na makauwi at binigyan pa siya ng halagang higit sa dalawang buwan niyang bakasyon o vacation leave upang kahit papaano ay pandagdag sa kaniyang gamutan sa Pilipinas.




Ang mga kapatid ni Remelyn ang nag-aalaga sa kaniya sa Roxas City, March 13 namg sumailalim siya sa isang surgery at April 22 naman nang siya ay sumailalim sa chemo treatment. Noong nasa Hong Kong pa siya ay nagtrabaho siya sa pamilya Fai (Philip) Tse. Siya ang naging yaya ni Philip mula pa lamang ng sanggol ito hanggang sa tumuntong siya ng 19 na taong gulang at lumipat na siya ng pamilyang pagtatrabahuhan. Kahit pa iba na ang kaniyang pinagsisilbihang pamilya ay hindi pa rin nawala ang kanilang komunikasyon sa isa’t-isa kahit pa makalipas ang 16 na taon. Kung kaya naman ng malaman ito ng kaniyang dating inalagaan na si Philip ay agad itong nag-book ng flight at pinuntahan ang kaniyang mahal na Yaya upang kahit ilang araw ay maalagaan at mapagsilbihan niya ang taong nag-alaga sa kaniya noong sanggol siya.

Sa apat na araw na inilagi ni Philip sa Pilipinas ay naiparamdam niya ang pagmamahal At pagmamalasakit niya sa taong nagmamahal, nag-aruga, at nag-alaga sa kaniya noon.




error: Content is protected !!