Pahayag ni Vice Ganda na “Yung jowa mong hindi nagrereply sa text pero nakikita mong active sa Facebook!” umani ng maraming komento at reaksyon sa social media!



Si Vice Ganda ay isa sa pinakamahuhusay na komedyante sa industriya ng show business. Ang kaniyang tunay na pangalan ay Jose Marie Borja Viceral. Ipinanganak siya noong March 31, 1976 sa Tondo, Maynila. Siya ay 43 taong gulang na. Isa siyang komedyante, TV host, aktor at mang-aawit. Siya ay tinatawag na “Tutoy” ng kaniyang mga mahal sa buhay.



Isang kapitan ang kaniyang ama na noon ay namatay dahil sa hindi inaasahang pangyayari nang mayroong nagtaka sa buhay nito sa harap mismo ng batang si Vice, ito ang naging dahilan kung kaya nagtrabaho sa ibang bansa ang kaniyang ina upang matustusan ang kanilang pamilya.


Sa ngayon, isa siya sa pinakahinahangaang komedyante sa telebisyon. At marami na din ang bali-balita tungkol sa estado ng kaniyang puso. Ayon sa ilang espekulasyon ay si Kuya Escort Ion Perez ang muling nagpapasaya sa komedyante.






Minsan ding nadulas si Vice sa kaniyang programa na “Gandang Gabi Vice” o “GGV” ng bigla siyang tanungin ni Angelica Panganiban kung mayroon siyang minamahal ngayon at nadulas nga itong apat na buwan ba diumano sila. Kung kaya naman kinilig ang madlang pipol maging ang kaniyang guest na si Angelica.



Naging usap-usapan din naman ang naging pahayag ni Vice sa kaniyang social media account kung saan nagpost siya ng mga katagang:
“Yung jowa mong hindi nagrereply sa text pero nakikita mong active sa Facebook!”




Maraming mga netizen ang nagbigay ng kani-kanilang komento at reaksyon ukol dito. Ito ang ilan sa mga naging pahayag nila: “Ganyan ex ko. Greeted happy birthday pero ni seenzone wala. Pero online at bumati pa sa mga nagpost ng birthday greetings. Haha.”, “Ayyy… tampo na agad si MEME ohhh… hayaan mo sasayawan ka na lang ni Dadi Ion Perez ng Lintik na Pag–ibig sabay abot ng tulips.”




“Kung sasayangin pa ng lalaki ang pagmamahal mo, para na rin siyang nagtampo sa bigas! Isang bodega ng bigas!!”, “Meme tiwala lang. Ikaw makapagsasabi kung ano talaga ang totoo, tiwala lang, kapag mahal mo, pagkatiwalaan mo mahal na mahal ko kayo ni Kuya Ion.”




error: Content is protected !!