Sila ang mga kilalang pinoy celebrities na naka-graduate ng may ‘Latin Honors’



Ang edukasyon ang pinaka-mahalagang bagay na kindi kayang kunin sa atin ng ibang tao. Bagama’t ang iba ay kagustuhan lamang ay ang maka-tapos ng kolehiyo, ang iba naman ay nangangarap at nagpupursige na magkaroon ng karangalan sa pagtatapos. Ang matawag sa entablado ng graduation na may ‘Latin Honors’ ay isang matamis na sandali na babaunin mo sa buhay mo.

Kaya maraming nagsusumikap na magaral at pinagbubuti upang magkaroon ng ganitong klase ng karangalan.



Pero ang mas nakaka-bilib ay ang mga celebrities na ito na nakapag-tapos ng pagaaral na may mga karangalang natamo. Kahit na mahirap ang kanilang oras dahil sa mga schedule, nagawa pa rin nilang maka-graduate ng may mga karangalang Summa Cum Laude, Magna Cum Laude, o Cum Laude.

Kilalanin natin ang 15 na kilalang celebrities na nakapag-tapos ng pag-aaral na may Latin Honors:


1. Yasmien Kurdi


Ang isa sa mga sumikat na Kapuso na artista na nakilala dahil sa sikat na talent search na Starstruck na si Yasmien Kurdi ay naka-graduate ng magna cum laude. Siya ay kumuha ng kursong Political Science sa Arellano University.


2. Benjamin Alves


Ang gwapong aktor na si Benjamin Alves naman ay kumuha ng kursong Bachelor of Arts in English Literature sa University of Guam at naka-graduate ng Summa Cum Laude.



3. Carla Abellana


Ang magandang si Carla Abellana naman ay parating Dean’s Lister sa kanyang pag-aaral kaya naman siya ay naka-graduate ng cum laude sa De La Salle University-Manila sa kursong Bachelor of Arts in Psychology.

4. Renz Valerio


Ang dating kilalang batang aktor ay naka-graduate ng magna cum laude sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management sa Our Lady of Fatima University ng Antipolo City. Siya rin ay may Academic Excellence Awardee at may award din na Best in Marketing Research.



5. Giselle Sanchez


Hindi mo aakalain na ang komedyante at napaka-gandang si Giselle Sanchez ay naka-graduate ng magna cum laude sa University of the Philippines ng matapos niya ang AB Broadcast Communication.

6. Shamcey Supsup – Lee


Ang magandang si Shamcey Supsup-Lee ay isa sa pinaka-matalinong beauty queen. Siya ay kumuha ng kursong Architecture degree sa University of the Philippines at naka-graduate ng magna cum laude. Siya rin ay isa sa pinaka-mataas na nakuhang score sa board exams noong 2010.

7. Paula Peralejo


Ang dating aktres na si Paula Paralejo ay kumuha ng kursong Bachelor of Arts in Philosophy with a minor in Tourism sa University of the Philippines Diliman at naka-graduate ng magna cum laude.

8. Myrtle Sarrosa


Ang magandang cosplayer na ito ay naka-graduate ng cum laude sa University of the Philippines.

9. Venus Raj


Ang nagpauso ng mga katagang ‘Major major’ ay ang sikat na beauty queen na si Venus Raj. Ang beauty queen na ito ay naka-graduate ng cum laude sa kursong bachelor’s degree in Communication Arts, Major in Journalism sa Bicol University.

10. Melanie Marquez


Isa ring beauty queen ang kilalang si Melanie Marquez na dating Miss International 1979. Siya ay naka-graduate ng cum laude sa International Academy of Management and Economics (IAME) sa kursong Business Administration noong 2006.

11. Anna Theresa Licaros


Isa ulit beauty queen na si Anna Theresa Licaros na dating Binibinang Pilipinas Universe 2007 ang naka-graduate ng summa cum laude sa kursong Broadcast Communication sa UP Diliman.

12. Chris Tiu


Ang kilalang basketball player at dating TV Host ay naka-graduate ng cum laude sa Ateneo De Manila University sa kursong Mangement Engineering.

13. Agot Isidro


Ang sikat na artista na si Agot Isidro ay naka-graduate ng magna cum laude sa kursong Fashion Buying and Merchandising sa Fashion Institute of Technology sa New York.

14. Nanette Medved


Ang kilalang aktres nanito ay naka-graduate ng Summa Cum Laude sa Babson College sa Boston sa kursong Finance and Entrepreneurship.

15. Chin-chin Gutierrez


Ang magandang aktres na si Chin-chin Gutierrez naman ay naka-graduate ng cum laude sa Miriam College sa kursong Mass Communication.




error: Content is protected !!