Isang Pinoy na imbentor ang gumawa ng ‘Tubig na Gasolina’ para sa kanyang motorsiklo



Isa sa mga sumisira sa ating mundo ay ang polusyon na inilalabas ng mga sasakyan. Kahit na may mga gasolinang ‘unleaded’ mayroon pa ring mga kemikal na inilalabas na nakaka-sama pa rin sa kalusugan ng tao pati narin sa paligid. Bukod pa dito ay mahal din ang presyo nito. Kasama sa pagtaas ng presyo ng petrolyo ay ang pagtaas din ng presyo ng pamasahe.



Kaya nangangarap ang marami na sana ay mayroong pwedeng maging alternatibong materyal na maaaring makapag-patakbo ng mga sasakyan na hindi mahal at ligtas sa kalusugan.


May isang pinoy na imbentor ang nakikilala ngayon dahil sa imbensyon niyang ‘Tubig Na Gasolina’. Ang pangalan ng imbentor na ito ay si Noli Dazo. Tinawag din niyang “Dazo Water Fuel Hydrogen” ang imbensyon niya na ginagamit niya sa kanyang gawang motorsiklo. Si Noli Dazo din ay may award na “Outstanding Filipino Inventor of the Philippines”.


Ang imbensyon niya ay tunay na makalikasan at ligtas. Ang tubig gasolina din kayang pabilisin ang takbo at tunay na epektibo. Ngayon ay sinusubukan ni Noli Dazo na gamitin ang kanyang produkto sa mga 90 milyong TODA ng buong bansa. Ang tubig gasolina ay makakatulong sa mga namamasada ng Tricycle upang makatipid sa gasolina. Bukod pa dito ay walang inilalabas na polusyon na nakakasama sa paligid at tao.



Ang paggamit ng tubig gasolina ay parang paggamit din ng totoong gasolina. Hindi maapektuhan ang bilis at hindi mo rin masasabing mabagal. Ang imbensyon ni Noli Dazo ay talagang yari sa tubig. Kapag nakitang totoong kapaki-pakinabang ito, malaki ang maitutulong nito sa ating kalikasan pati na rin sa ating bulsa.

Ang galing talaga ng Pinoy! Saludo kami sayo Noli Dazo! Sana ay maging matagumpay ang iyong imbensyon at magamit ito hindi lamang sa ating bansa pati na rin sa buong mundo.




error: Content is protected !!