Ito na ang malaking ipinagbago ni Claudine Barreto ng iwanan niya ang showbiz



Isa sa mga hinahangaang aktres noon ay si Claudine Barreto. Masasabing ang kagandahan niya ay walang kupas dahil makikitang parang hindi siya tumatanda at maganda pa rin. Katulad ni Claudine, magaganda rin ang kanyang mga kapatid na babae na sina Gretchen at Marjorie.



At siyempre, nakilala din natin ang isang magandang dilag na mula rin sa linya ng mga Barreto na si Julia. Marami ang namangha sa kagandahan ni Claudine Barreto noon pero kumusta na kaya siya ngayon? Ano na kaya ang pinagkaka-abalahan niya?


Si Claudine Margaret Castelo Barretto ay isang aktres na nagsimulang sumikat noong taong 1992 sa programa sa telebisyon na “Ang TV”. Ang 39 taong gulang na si Claudine ay isa ring entrepreneur at product endorser. Maraming mga palabas at pelikula ang mga pinagbidahan niya. Isa sa mga maaalala ay ang “Mula sa Puso” na ipinalabas noong 1997 at kasama niya dito si Rico Yan.



Dahil sa pagkakaroon ng kagandahan, marami ding mga artista ang naging ka-relasyon niya na pinagmulan din ng mga kontrobersiya. Ilan sa mga naging karelasyon niya ay sina Mark Anthony Fernandez, ang yumaong si Rico Yan, at ang hiwalay niyang asawa na si Raymart Santiago.


Sa pagalis niya sa ABS-CBN ng taong 2008, siya ay nalipat sa GMA ng mga taong 2009 hanggang 2014. Sa mga panahong ito ay nagkaroon pa siya ng pelikulang “In Your Eyes”.



Nagkaroon ng pagtatalo ang mga magkakapatid na Barreto ng taong 2011 hanggang 2012 na nalaman ng publiko. Taong 2013 naman ng napabalitaang nakipag-hiwalay si Claudine Barreto sa asawang si Raymart Santiago. Sinabi ni Claudine na isa siyang “Battered Wife”. Ang hiwalayan nilang dalawa ang naging dahilan upang lisanin niya ang showbiz at tutukan ang mga anak. Nagkaroon ng ‘comeback’ sa showbiz si Claudine noong taong 2015 hanggang 2017 ng napabilang siya sa TV5. Pagkatapos nito ay wala na tayong narinig patungkol sa kanya.


Ngayon ay muling tumutunog ang kanyang pangalan sa social media. Dahil sa mga litratong nakikita na kasama ang kanyang psychiatrist. Malaking pagpapasalamat ni Claudine sa kanyang psychiatrist sa pagtulong sa kanya upang ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng mga pinagdaanan.




Ang sobrang hinangaan ng mga netizens ay ang pagkakaroon ni Claudine ng payat at maayos na katawan. Maaalalang tumaba si na makikita sa mga palabas dati. Makikitang masaya at blooming ang kanyang itsura ngayon.


Ano sa tingin niyo? Muli kayang babalik si Claudine sa mundo ng showbiz?




error: Content is protected !!