Lubos ang pagpapasalamat sa Diyos ng mag-asawang Dingdong at Marian sa kanilang bagong baby ngayong Easter Sunday



Ang pagkakaroon ng anak ay isang biyaya. Kaya lubos na ikinagagalak ng mga mag-asawa ang pagkakaroon ng biyayang katulad nito. Ang pagkakaroon din ng anak ay isang dahilan upang lalong mas maging matibay ang isang pamilya.


Katulad na lamang ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pagkakaroon nila ng bagong miyembro ng pamilya. Ipinagpasalamat ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang pagkakaroon nila ng bagong baby noong nakaraang Easter Sunday. Ito ay buong pasasalamat sa Diyos sa mga post nila sa kanilang mga social media accounts.




Masayang masaya ang mag-asawa dahil nagkaroon na sila ng lalaking anak na si Baby Sixto. Ito na marahil ang pinaka-masayang Easter Sunday sa kanila. Para sa mga Katoliko, ang Easter Sunday ay ang pasko ng pagkabuhay ni Hesukristo. Sa panahon ng kwaresma ay inaaalala ang pagkamatay at muling pagka-buhay ng ating Panginoon.


Ayon sa post ni Marian Rivera:


“Ngayong nabuhay na ulit si Hesus, muling ipinapaalala ng araw na ito na lahat tayo ay biyaya ng Diyos sa isa’t-isa.
Happy Easter. Ito na marahil ang pinakamasayang Pasko Ng Pagkabuhay ng aking buong pakikipagsapalaran sa mundong ito dahil sila— si Dong, si Letizia at si Sixto— sila ang aking buhay. “


Ipinagpasalamat din ni Dingdong Dantes sa Diyos ang pagkakaroon nila ng Baby Sixto sa buhay nila. Sa post ni Dingdong, mapapansin ang pagka-relihiyoso. Ang una niyang sinabi ay patungkol sa inspirasyon kay St. Ignatius at sinundan din ng mga salitang galing sa biblia sa libro ni Mateo.



Mas nakaka-antig ang sumunod na mensahe ni Dingdong patungkol sa pagkakaroon nila ng bagong baby. Ito ay ang pagpapa-alala na ang buhay niya ngayon ay hindi na para lamang sa sarili niya, bagkus para sa kanyang pamilya. Masayang masaya ang pamilya nila Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pagkakaroon ng mga anak na katulad nila Letizia at ang bagong panganak na si Jose Sixto Dantes IV.




error: Content is protected !!