Nagsalita na si Coco Martin patungkol sa diumano’y panganganak ng aktres na si Julia Montes!



Si Rodel Pacheco Nacianceno o mas kilala din bilang si Coco Martin ay 37 na taong gulang na aktor, prodyuser, host, modelo at direktor na ipinanganak sa Novaliches, Quezon City. Nakilala rin siya sa kaniyang pagganap sa “Juan dela Cruz” at “FPJ’s: Ang Probinsiyano”. Naging maugong din ang kaniyang pangalan ng diumano’y siya ang ama ng ipinagbubuntis ng aktres na si Julia Montes, bagamat wala pang kompirmasyon mula sa magkabilang panig.


Unang beses pa lamang magsalita ni Coco Martin patungkol sa mga paninirang-puri ng ilang tao sa kaniya na hindi na niya pinangalanan. Ito ang bahagi ng mahabang pahayag ni Coco Martin sa kaniyang social media account:




“Ang hindi ko pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi kauunlad ng ating bayan ay hindi kabaklaan at kaduwagan may kanya kanya tayong buhay at tayo ang may dedesisyon kung pano natin patatakbuhin ito at sa aking palagay wala akong nagawang masama sayo kung sino kaman hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo! Nag tatrabaho lang ako at may meron din akong pribadong buhay wag nman sana ang buhay ko ang pagkwentuhan nyo dahil hindi interesado ang buhay ko. mas maganda siguro humanap tayo ng ibang kapakipaki nabang na paguusapan para sa ating lipunan para may maiambag naman tayo sa ating bayan! Salamat sa pagbigay mo ng panahon para pagusapan ang buhay ko. Ang trabaho ko ay umarte at bigyan ng buhay ang mga character na ginagampanan ko. tahimik po ako na nagtatrabaho at namumuhay kaya mas makakabuti siguro ang buhay mo nalang ang ikwento mo sigurado ako mas interesante ang buhay mo! Sana lang bago ka mawala sa mundo alam mo sasarili mo na may naibahagi kang kabutihan sa iyong kapwa hindi puro paninira! Pasensya kana ang desisyon ko ay panatiliin tahimik ang buhay ko at sana naiintindihan mo!!! God bless.”


Bagamat maraming mga naglalabasang balita tungkol sa aktor at sa aktres na si Julia Montes at sa diumano’y anak nila, mas minabuti pa rin niyang manahimik na lamang at dalangin niyang maintindihan ito ng publiko.





error: Content is protected !!