Top 10 na pinakamayayamang Filipino young stars ngayon, kilalanin!



Mahirap mang pumasok sa industriya ng show business, marami pa rin ang mga nagtatagumpay na maging sikat na aktor at aktres ng kanilang henerasyon, hindi na nakakapagtaka na makaipon sila at makapagpatayo ng maraming mga investment. Ito ang listahan ng sampu sa pinakamayayamang Filipino young stars ng show business ngayon, kilalanin natin sila:

Top 10. Julia Barretto



Si Julia Barretto ay isang aktres at modelo na nasa ika-sampung pwesto. Mayroon siyang net worth na P95 million na nakuha niya mula sa kaniyang mga endorsements, acting at modeling.


Top 9. Liza Soberano


Si Liza Soberano ay isang sikat na aktres na nakilala sa kaniyang palabas na Forevermore. Siya ay nasa ika-siyam na pwesto sa pinakamayayamang young artist sa bansa ngayon. Siya ay mayroong higit-kumulang na P120 milyong net worth. Siya ay kilala dahil sa kaniyang pag-arte, pagmomodelo at pagiging isang endorser.


Top 8. Nadine Lustre


Si Nadine Lustre ay mayroong higit-kumulang na P151 milyong net worth mula sa kaniyang pag-arte, pagmomodelo, guesting at recording. Naging kilala siya kasabay ng kaniyang ka-love team na si James Reid na ngayon ay kaniya ring nobyo.



Top 7. Julia Montes


Si Julia Montes ay isang batang artista mula sa Going Bulilit at naging sikat siyang artista dahil sa kaniyang pagganap sa Mara Clara. Si Julia ay mayroong higit-kumulang P188 milyon na net worth.

Top 6. James Reid


Si James Reid ay kilalang aktor at mang-aawit, siya rin ang nobyo ng aktres na si Nadine Lustre at kasalukuyan siyang may humigit-kumulang na P202 milyon na net worth. Si James Reid ay nakilala sa kaniyang magandang mukha at kagwapuhan at sa kaniyang pag-arte at pagmomodel.



Top 5. Enrique Gil


Pasok naman sa ikalimang pwesto ang aktor na si Enrique Gil na mayroong humigit-kumulang na P280 milyong net worth. Ang tambalan nila ni Liza Soberano ay talaga namang naging dahilan upang magkaroon siya ng maraming mga tagahanga at tagasuporta. Siya ay umaarte at nagmomodelo din.

Top 4. Alden Richards


Ang Pambansang Bae ng Pinas na si Alden Richards ang nasa ikaapat na pwesto. Nagkaroon siya ng ilang mga pelikula, guesting at endorsements. Si Alden ay mayroong net worth na P346 milyon.

Top 3. Kathryn Bernardo


Ang sikat at kilalan si Kathryn Bernardo ay nasa top 3 ng pinakamayayamang aktres ng industriya ng show business. Naitampok na siya sa ilang mga pelikula, programa at teleserye. Mayroon siyang net worth na P500 milyong piso.

Top 2. Maine Mendoza


Ang dubsmash Queen Maine Mendoza ay ikalawa sa pinakamayayamang artista ngayon. Siya ay naging ultimate star nang nadiskubre ang kaniyang mga dubsmash videos, kinagiliwan ng narami ang AlDub loveteam nila ng aktor na si Alden Richards. Siya ay kasalukuyang may P580 milyong net worth.

Top 1. Daniel Padilla


Maniniwala ka bang nasa isang bilyong piso ang net worth ng binatang artista na ito? Si Daniel Padilla o kilala din bilang DJ ay maraming mga movie projects, modeling at endorsements kahit noon pa man. Kasama ng kaniyang on screen partner na si Kathryn Bernardo talaga namang humakot sila ng maraming mga tagahanga. Ang single niya na ‘Nasayo na ang lahat’ ang naging dahilan ng marami niyang mga guesting at singing career.




error: Content is protected !!