Ang buti naman ng puso ng may-ari ng restawran na ito matapos niyang punuin at ilabas ang pagkain ang isang ref para sa mga pulubi roon!



Hindi lingid sa ating kaalaman na maraming mga taon ngayon sa buong mundo ang nagugutom. Marami din namang mga tao ang nag-aaksaya ng mga pagkain na dapat sana ay napupunta na lamang sa kumakalam na sikmura ng nakararami kaysa sa basurahan o di kaya naman ay napapanis o nabubulok.



Hindi na bago sa atin ang makakita ng mga pulubi na nagkakalkal ng kanilang makakain sa basurahan, sa bangketa o sa kalsada. Mayroon din namang mga naghihintay sa labas ng mga restawran o tindahan ng pagkain na baka sakaling mayroong maawa sa kanila at abutan sila kahit tira-tira lamang ng mga ito.


Ngunit nakakamangha ang kwentong ito ni Minu Pauline mula sa Kochi, India. Naglabas siya ng isang refrigerator sa kanilang restawran at nilalagyan niya ito ng mga tirang pagkain mula sa kanilang kusina! Sinong mag-aakalang mayroon pang mga katulad niyang tutulong at magmamalasakit sa kaniyang kapwa?


Ang mga pagkaing nilalagay niya sa nasabing ref ay hindi pa naihahain sa kanilang mga customer at sadyang natira lamang sa kanilang kusina. Mayroon ding petsa ang bawat supot ng pagkain kung kailan ito ginawa o nailuto. Nasa 75-80 na supot ng pagkain ang kayang ilaman sa nasabing refrigerator. Bukas ito sa loob ng 24 oras araw-araw para sa mga taong nagnanais kumain ng walang kabayaran at wala ring limitasyon ang pagkuha ng supot sa nasabing refrigerator.



Noong una niyang buksan ang kaniyang ref sa publiko ay talaga namang dinagsa ito ng marami dahil sa wakas ay magkakaroon na rin sila ng tyansang makakain ng malinis na pagkain na hindi mula sa mga basurahan kundi sa isang ref ng isang restawran.


“So many people are wasting so much food and someone is taking that food from the same trash. If you’re wasting your money, it’s your money, but you’re wasting the society’s resources. Don’t waste the resource, don’t waste the food,” ito ang naging pahayag ni Minu Pauline sa kaniyang panayam sa Viral Indian Daily.






error: Content is protected !!