Doktor na ang dating PBB Housemate na ito, kilalanin natin siya!



Sa panahon ngayon na talaga namang mahirap ang buhay at maraming mga pagsubok at hadlang sa pag-abot ng ating mga pangarap, nakakatuwang pa ring mayroong mga tao, sikat man o hindi ang nagbibigay ng importansya at halaga sa edukasyon at sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.


Pitong taon matapos ang kaniyang paglahok sa “Pinoy Big Brother”, isa na namang tagumpay ang nakamtan ng dating housemate ni Kuya na si Alec Duñgo. Dahil sa wakas ay naisakatuparan na niya ang kaniyang pangarap noong bata pa siya na maging isang doktor. Siya ay isang “pharmacist”, nagtapos siya ng medical school sa University of Santo Tomas nang mayroon pang karangalan cum laude at meritisimus.




Ibinahagi ni Alec sa kaniyang social media post ang kaniyang pasasalamat sa tulong ng Panginoon at sa mga pagpapala Niya upang mapagtagumpayan niya ang mga hamon na kaniyang kinaharap sa pagtatapos niya sa kaniyang medical school. At hindi lang un mayroon pang bonus dahil sa karagdagang karangalang kaniyang natamo.

Hindi rin naman niya nakaligtaang pasalamatan ang kaniyang pamilya na pinag-alayan niya ng kaniyang tagumpay. Sila diumano ang kaniyang inspirasyon sa natamo niyang tagumpay. Nagpasalamat din naman siya sa kaniyang mga propesor, colleague, at sa staff ng Faculty of Medicine and Surgery sa kanilang unibersidad. At para sa kaniyang mga pasyente na tumulong sa kaniyang madagdagan ang kaniyang kaalaman na hindi lamang sa mga libro nakukuha o nababasa.




Siya ay naging parte ng ika-14 na edisyon ng “Pinoy Big Brother” noong 2012 kasabay ang ilan pang mga housemate na sina Kit Thompson, Yves Flores, Joj and Jai Agpangan, Karen Reyes, Tom Doromoal, at Myrtle Sarrosa na naging Big Winner ng nasabing reality show.




Tunay ngang isa siyang inspirasyon na hindi maaaring hadlangan ng kahit ano pa man ang iyong pangarap basta’t ikaw ay magsusumikap lamang at magtitiyagang makamtan ang iyong mga ninanais. Sa tulong ng mga taong nagmamahal sa iyo, ng iyong pamilya at nang Panginoon ay tiyak na matatamasa mo din ang iyong pinapangarap at dinadalangin na tagumpay.




error: Content is protected !!