Kilalanin natin ang lalaking bumihag sa puso ni Sofia Andres na isang Cebuano Racer



Marami ang nagagandahan sa isang kapuso na aktres na si Sofia Andres. Hindi lamang ang kanyang kagandahan ang hinahangaan pati na rin ang kanyang galing sa pag-arte.


Si Sofia Louise Alejandre Andres ay isang 20 taong gulang na aktres at isa ring commercial model. Ipinanganak siya noong ika-24 ng Agosto taong 1998. Ang dalagang ito ay napabilang na sa ilang palabas sa telebisyon pati na rin sa mga pelikula. Ilan sa napabilangan niya ay ang “She’s Dating the Gangster”, “Relaks”, “It’s Just Pag-Ibig”, “Forevermore”, “Pusong Ligaw” at ang sikat na kapamilya fantaseryeng “Bagani”.




Ang kanyang kagandahan ay sinusubaybayan na rin ng mga fans niya sa kanyang social media accounts. Kamakailan lamang ay nakita sa kanyang account sa social media na mayroon siyang kasamang lalaki. Maaaring ito na kaya ang kanyang kasintahan?



Ang nakitang lalaking kasama ni Sofia Andres ay si Daniel Miranda na isang 21 taong gulang na Cebuano Car Racer. Ilan sa napag-kaalaman sa lalaking ito ay noong bata pa lamang ito ay mahilig na talaga siya sa pagmamaneho ng sasakyan at sa pag-karera. Sa katunayan ay noong bata pa lamang ay madalas itong mag-karera gamit ang go-carts.


Ito marahil ang dahilan kaya sa pagtanda niya ay isa siyang car racer. Pitong taon na rin ang pagiging car racer niya. Masasabing, maipag-yayabang at maipagmamalaki siya ng bansa dahil nanalo siya sa mga tournaments sa mga bansang Indonesia, Singapore, Macau, at iba pang mga bansa sa Asya.


Mapapansin sa mga larawan ang lambingan nilang dalawa. Bagamat hindi pa nila kinukumpirma ang kanilang relasyon, marami ang nagsasabi na nagmamahalan na ang dalawang ito. Marahil ay kilig na kilig ang mga fans ni Sofia Andres dahil gwapo at matipuno si Daniel Miranda. Kumbaga ay talagang bagay na bagay silang dalawa.




Abangan na lang natin ang kumpirmasyon na ihahayag nila kung tunay na ang kanilang relasyon o nasa stage pa lamang ng panliligaw. Pero sa mga litrato ay sa tingin ng marami ay talagang masasabing sila ay magkasintahan na.




error: Content is protected !!