Mabilib sa isang daga na nagliligpit ng gamit na nakita sa CCTV ng isang 72 taong gulang na lalaki



Itinuturing na peste ang mga daga sa bahay. Kapag may daga sa inyong bahay, marahil ay naiinis kayo sa mga ginagawang paninira nila sa mga gamit. Magugulat na lamang kayo na may mga nasira ng mga kagamitan o appliances na madalas ay kinakain o nginangatngat. Nakaka-inis din minsan kapag ang mga daga ay nasa kisame at maririnig mong nagtatakbuhan at sadyang napaka-ingay nila.


Kaya marami sa atin ang bumibili ng mga mouse traps upang mahuli ang mga nangiinis na mga daga. Pero ang sabi ng ilang matatanda, huwag daw paslangin ang mga daga dahil kapag nalaman ng ibang mga kasama nito ang ginawa niyo sa kasamang daga, ang mga damit niyo ang sisirain nila.




Pero hindi naman lahat ng daga ay nakakainis katulad ng nasabi sa taas. May mga daga na inaalagaan ng tao at mayroong mga daga naman na hindi naninira ng gamit. At mas mabibilib kayo dahil mayroong daga pala na imbis na manira ay nagaayos pa ng mga gamit.


Isang 72 taong gulang na dating electrician ang nagtaka kung bakit maayos ang mga gamit na iniwan niya sa kanyang talyer. Ang pangalan ng matandang ito ay si Stephen Mckears.



Sa sobrang pagtataka, ang inakala ng mga anak ni Stephen ay may multo sa lugar ng kanyang gawaan. Kaya naman humingi siya ng tulong sa isang kaibigan na nagngangalang Rodney Holbrook upang malaman kung anong misterio ang bumabalot sa pangyayaring ito.

Ayon sa isang interview kay Stephen Mckears:
“I didn’t know what it was at first. The kids were saying it was a ghost. One day I emptied the tub out and spread the contents on the side – and the next day they were all back in again. I thought I was going mad,”



Laking gulat na lamang nila na isa palang daga ang nagliligpit ng mga gamit niya. Ito ay nakuhanan ng CCTV Camera habang halos dalawang oras na nagliligpit ang daga. Sa sobrang tuwa ni Stephen ay pinagalanan niya ang daga na si “Metal Mickey”.




error: Content is protected !!