Categories: UnbelievableViral

Sabi ng nanay na ito ay huli na talaga ang ipinagbubuntis niya hanggang sa umabot ang kaniyang mga anak ng 21!

Hindi biro ang maging isang ina. Malaking hirap at pagsubok ang dinaranas para lamang maging maayos at mapabuti ang kalagayan ng kaniyang pamilya lalo na ng kaniyang mga anak.

Tunay ngang mahirap ang buhay sa ngayon, ngunit sa kabila naman nito ay ang pagtutulungan at pagmamahalan ng bawat miyembro ng pamilya. Tulad na lamang ng mag-asawang Sue at Noel Radford. Magugulat kang malaman na noong ika-13 ng Nobyembre nang isilang ni Sue ang pang-21 nilang anak ng kaniyang mister.


Aminado ang mag-asawang mahirap nga ang magkaroon nang maraming mga anak ngunit nakakatuwang malaman na mas nananaig pa rin sa kanila ang kasiyahan ng kanilang pamilya. Si Sue ay labing-apat na taon pa lamang noong una niyang isilang ang kanilang panganay na anak.

Labing-walong taong gulang naman siya nang magpakasal sila ng kaniyang asawa at matapos nito ay biniyayaan pa muli sila ng mga anak. Hanggang dumating ang pagkakataon na nagkasunod-sunod na ang kanilang mga anak, at taon taon nang nadaragdagan ang kanilang noon ay maliit na pamilya.


Una nang sinabi ni Sue na sa edad niyang 43 taong gulang ay huling anak na niya ito ngunit tila kada taon na lamang ay ito ang nagiging sambit niya matapos niyang manganak. Sa dami ng miyembro ng kanilang pamilya ay sila na nga ang tinaguriang pinakamalaking pamilya sa Britanya na mayroong 23 na miyembro. Nakakamangha ngang malaman na sa kabila ng hirap ng buhay at sa dami nila ay nagiging maligaya at masaya pa rin sila na kasama ang bawat isa sa kanila.


Isa silang inspirasyon ng masaya at malaking pamilya. Sino ba naman ang hindi magnanais ng ganito kalaki at kasayang pamilya na punong-puno ng pagmamahalan, pagmamalasakitan, at pagdadamayan sa bawat isa? Hindi pera o materyal na bagay ang mahalaga kundi ang bawat aral ng buhay na matututunan at tinuturo ng kanilang mga magulang da kanilang mga anak gayundin naman ang mga natatanging aral na hatid ng mga anak sa kanilang mga magulang.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago