Andi Eigenmann tuloy pa rin ang hilig sa surfing kahit pa nagdadalang-tao siya!



Ang pagkakaroon ng sanggol sa iyong sinapupunan ay isa sa pinakamasaya at pinakamapagpalang bagay na iyong mararanasan bilang isang babae. Hindi biro ang magdala ng sanggol sa iyong sinapupunan sa loob ng siyam na buwan. Marami ding mga buntis ang hirap sa kanilang pinagdaraanan na paggising pa lamang nila sa umaga ay nahihilo o naduduwal na sila.



Sadyang sensitibo din sila sa kanilang pang-amoy o di kaya naman ay kanilang panglasa. Labis din naman ang pag-iingat ng marami sa kanilang pagdadalang-tao dahil sa ang ilan nga ay nakakaranas ng maselan na pagbubuntis. Sa katunayan ay mayroon pa ngang mga babae na pinapayuhang mamahinga at mahiga na lamang sa kama para na din maingatan ang kaniyang sanggol at ang kaniyang sariling kalusugan.


Ngunit tila kakaiba talaga ang buntis na si Andi Eigenmann. Aakalain mo bang nagsusurfing pa din siya kahit anim na buwan na siyang buntis? Kitang-kita naman ang kaligayahan sa kaniyang mga mata sa bawat paghampas ng alon at sa kakaibang pagdampi ng init ng araw sa kaniyang balat. Hindi maipagkakailang nagniningning pa rin ang kaniyang kagandahan sa kabila ng kaniyang pagbubuntis.


Ang kaniyang pinagbubuntis ay anak niya sa kaniyang kinakasamang si Philmar Alipayo na isang surfer. Kasama din niyang nag-eenjoy sa pagsusurfing ang panganay na anak niyang si Ellie na anak niya kay Jake Ejercito. Tinuturuan din ni Philmar ang panganay na anak ni Andie ng surfing.



Bagamat iniwan ni Andi ang ningning ng industriya ng show business ay mas hinangaan siya ngayon dahil sa kaniyang kalakasan bilang isang babae at higit sa lahat ay ang kaniyang pagiging ina sa kaniyang mga anak. Ngayon ay mas kuntento at mas masaya siya sa kaniyang buhay malayo sa magulong mundo ng show business.

At talaga namang hiyang na hiyang ang dating aktres sa ganda at aliwalas ng lugar ng Siargao na isa rin sa pinakadinarayong tourist destination ng maraming mga turista.






error: Content is protected !!