Mga larawan ng isang resort na dinumog ng napaka-daming tao



Sa tindi ng init na nararanasan, maraming tao ang naiisipan na magbabad sa tubig. Dahil Summer ngayon, marami sa atin ang nagpupunta sa mga resort kasama ang pamilya upang makapag-enjoy. Ang iba ay pumupunta sa mga beach resorts, swimming pools, o kaya naman sa mga magagandang ilog. Kahit saang lugar pa iyan, ang mahalaga ay kasama ang pamilya o kaibigan upang makapag-bonding at mag-enjoy.


Dahil bakasyon ng mga estudyante, ito ang perpektong pagkakataon upang maisama ang buong pamilya sa isang masayang outing. Karaniwan sa mga pinipili ay mga malalapit na resort sa lugar. May mga pagkakataon na pumipili ang iba ng murang entrance upang makapag-budget. Pero kung kaya naman gumastos ng malaki para sa mararanasang kasiyahan, bakit naman hindi diba?




Pero mayroon isang Facebook post ang nagpakita ng nakaka-biglang pangyayari kung saan ay nagmistulang parang nag-kumpulang mga langgam ang mga tao sa isang resort. Ito ang pinag-uusapan ngayon ng mga netizens at inulan ng iba’t-ibang komento. Ang post na ito ay ibinahagi ng isang Facebook user na ang pangalan ay Jemar Breezy John Usi. Ang post na ito ay ibinahagi niya noong ika-18 ng Abril.


Magugulantang ka sa mga litrato dahil mula pa lamang sa entrance ng resort ay tila ba parang nagwe-welga ang mga tao sa pagpasok. Sa sobrang dami ay siguradong napakainit nito at masikip. Sa ibang litrato naman sa loob ng resort, makikita na halos hindi na maka-kilos ng maayos ang mga tao sa pool dahil sa sobrang dami.



Ang dahilan ng pag-outing sa mga resort ay para mag-enjoy at maging masaya na kasama ang pamilya o kaibigan. Pero paano magiging masaya kung sa pagpila pa lamang sa entrance ay pahirap na kaagad. Makikita sa mga litratong ibinahagi na sadyang sikat at kilala ang resort na ito sa Bulacan. Marahil ay hindi rin inakala ng mga taong nagpunta doon ng araw na iyon ang sobrang dami ng tao at nagkasubuan na lamang.  Ang nasabing post ay mayroong 13k na komento, 12k na reaksyon, at 31k na shares sa pagsusulat ng artikulong ito.