Nagtapos siya bilang isang cum laude kahit pa tatlo ba ang kaniyang mga anak!



Hindi biro ang maging isang ina ng tahanan ngunit hindi rin naman madali ang maging isang estudyante. Ngunit paano kaya kung isa ka nang ina pero sa kabila nito ay nais mo pa ring makapagtapos ng iyong kolehiyo at matupad ang iyong pangarap na makapaguwi ng diploma? Hahayaan mo na lamang ba ang iyong pangarap o magsusumikap kang mapagtagumpayan ang pangarap mong ito?


Isa marahil sa kakapulutan ng aral ng maraming mga mag-aaral ay ang estudyanteng si Ivy Santos Generoso. Mula siya sa isang mahirap na pamilya kung kaya naman nang makatapos siya sa sekondarya ay agad na siyang namasukan bilang isang katulong sa karinderya.



Nagmagandang loob naman ang kaniyang lola upang makapag-aral siya sa kolehiyo habang kasabay nito ang pagtatrabaho niya sa karinderya. Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Business Education at nakakuha siya ng sertipiko ngunit hindi ito sapat upang makapaghanap siya ng matinong trabaho.





Makalipas ang ilang taon ay nagkaroon na rin siya ng sarili niyang pamilya at nabiyayaan silang mag-asawa ng tatlong mga anak. Tulad ng ilang pamilyang Pilipino ay hirap ang mag-asawa na budgetin ang kanilang panggastos sa araw-araw dahil sa wala namang permanenteng trabaho ang kaniyang mister.




Upang makatulong at makadagdag income sa pamilya ay nagdesisyon siyang mgtinda sa labas ng paaralan ng kaniyang mga anak.




Isang araw ay mayroon na lamang kumatok sa kaniyang pintuan na isang oportunidad nang mayroong magbalita sa kaniya tungkol sa isang scholarship na para sa mga estudyanteng nais makapagtapos ng pag-aaral ngunit walang pangtustos sa kanilang pangarap. Kung kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pa na maipasa ang scholarship exam dito.




Unang semestre lamang ang balak niyang kuhanin noon ngunit nanghinayang siya sa kaniyang nasimulan at ipinagpatuloy na nga nita ang kursong Bachelor of Elementary Education Major in Early Childhood Education. At siya nga ay naging isang misis, ina, tindera at estudyante.




error: Content is protected !!