Alamin kung gawa nga talaga ng mga diwata ang matamis na bukal na ito sa Negros Oriental!



Sa ating panahon ngayon, hindi mo na nga masasabi kung ano ang totoo sa hindi o di kaya naman ay kung mayroon ba talagang kababalaghang nagaganap sa ating kapaligiran. Nasanay ang mga residente ng Vallehermoso sa Negros Oriental sa payak at simpleng pamumuhay. Ngunit kamakailan lamang ay naitampok ang kanilang bayan sa isang programa sa telebisyon kung kaya naman naging kilala na ang kanilang lugar. Bagamat mayroong mga naniniwala ay mayroon din namang mga hindi makapaniwala sa pagkakaroon ng matamis na lasa ng kanilang tubig.



Ngunit ano nga kaya ang tunay na dahilan kung bakit matamis ang lasa ng bukal na malapit sa Sitio Buod? Ayon sa ilang mga tao room ay gawa diumano ito ng mga diwata kung kaya naman naging matamis ang lasa nito. Isa sa mga residente ang nakapanayam ng programang Rated K ng ABS-CBN at inamin nga nito ang pinagmulan ng matamis na tubig mula sa bukal.


At ito ang kaniyang naging pahayag:
“Parang may hiwaga pero sa umpisa lang iyon. Pero kapag naniwala ka sa Diyos, wala na. Dati sinasabi nila nakakakita sila pero kami wala talaga,” saad niya. Ang bukal na ito ang pangunahing pinagkukuhanan ng mga residente ng kanilang inumin dahil sa wala silang ibang kuhanan ng maiinom.


Hindi naman din nagulat ang engineer na si Engr. Danila Basilio ng Local Water Utilities Administration ng malaman ang tungkol sa matamis na lasa ng tubig sa bukal. Ayon pa sa kaniya maaari talaga itong mangyari at depende na rin sa dinadaluyan ng tubig sa bukal ang dahilan ng pagiging matamis nito. Napag-alaman ng programang “alkaline water” diumano ang tubig na ito na ligtas na inumin ng mga residente.



Mayroon din pa lamang ibang lugar dito sa Pilipinas ang mayroong matamis na lasa ng tubig at ito ay matatagpuan sa Tomalistis Falls sa Biliran na kasalukuyang may hawak ng titulo bilang may pinakamatamis na natural na tubig sa buong mundo, ayon na rin ito sa Guiness Book of World Records.




error: Content is protected !!