Isang napakalaking bag ng popcorn ang dala dala ng isang movie fanatic na ito na ikinatuwa ng publiko!



Walang kaduda-duda na talaga namang inabangan ng marami ang pelikulang “Avengers:Endgame” ng maraming mga tagahanga nito at maging ng mga taong mahilig sa manuod ng mga pelikula sa sinehan. Kung kaya naman hindi na nakapagtatakang napakaraming nagnanais ngayon na makapanuod ng nasabing palabas.


Kamakailan nga lamang ay isang movie fanatic ang naging usap-usapan sa social media dahil sa kakaibang kahandaan nito sa kaniyang panunuod ng nasabing pelikula. Aakalain mo bang nagdala talaga siya ng napakalaki at napakaraming popcorn sa sinehan? Talaga namang handang-handa siya para sa tatlong oras na palabas na ito.




Siya ay nakilala bilang si Lamon Queen na isa palang “Food Vlogger”. Kilala din naman siya bilang si “Tina Chosera” ng Tee Radio. Talaga namang naging agaw-pansin ang napakalaking bag ng popcorn na kaniyang dala-dala sa sinehan. Siya ay tinaguriang “Lamon Queen” dahil sa malalaking serving ng mga pagkain na itinatampok niya online sa kaniyang mga tagasubaybay. Nakapagdala siya ng labinglimang “bucket” ng popcorn sa loob ng sinehan, dahil sa hindi sasapat ang isa lang. Ayon pa sa kaniya, kaya niya diumanong kumain ng isang bucket ng popcorn bago magsimula ang palabas at sadyang napakahirap magdala ng 15 bucket ng popcorn kung kaya naman nagdala na siya ng sarili niyang lalagyan.


Sa halip na sabihin niyang takot siyang maubusan ng popcorn sa kalagitnaan ng pelikula ay sinabi na rin niyang mahilig talaga siya sa pagkain ng popcorn. Nakakatawang kwento pa nga niya na madalas nayayamot ang kaniyang mga kaibigan sa kaniya dahil kinakain niya ang mga popcorn nila kapag naubos na niya ang sa kaniya. Kung kaya naman mas minabuti nila ng kaniyang mga kaibigan na palaging maghanap ng mga sinehang may unlimited popcorn, ngunit sa ngayon lahat ng ito ay sold out na kaya naman tinutukso siya ng kaniyang mga kaibigan kung paano siya makakatagal sa loob ng tatlong oras kung simula pa lamang ay ubos na ang kaniyang popcorn!




error: Content is protected !!