Ito ang paglulunsad ng “Pilipinas Agila Tires”na 100% na gawa sa goma at may ‘Tatak Pinoy’

Tangkilikin ang sariling atin! Ito ang mga salitang magsasabi na marami ring magagandang mga produkto ang bansa na kailangan lamang ay kilalanin. Kaya naman maraming Pinoy ang nagsisikap pagandahin ang mga produkto upang maipakita sa buong mundo na kaya rin ng Pilipinas ang makipag-sabayan sa mga produkto.


Isang bagong brand ng gulong ng Motorsiklo ang ilulunsad ng Department of Agriculture at ng Departnent of Trade Industry. Ang gulong na ito ay yari sa 100% na goma, at nagmula sa mga Pinoy Farmers.


Ang gulong ng motorsiklo ay may pangalan na Pilipinas Agila Tires. Mapapansin din na may logo ng Agila na naka-sulat sa gulong. Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, Ang pagpapakilala at paglunsad ng gulong na ito ay gaganapin sa Crowne Plaza Hotel sa Mandaluyong, Metro Manila sa petsang ika-26 ng Abril ngayong taon.


Ito ang magiging panimula ng bentahan ng gulong sa buong bansa. Layunin din ng programang ang makapag-bigay ng tulong sa mga magsasaka na gumagamit ng motorsiklo, nang makabili sila ng mura pero matibay na gulong. Malaking tulong din ito sa mga namamasadang tricycle at mga habal-habal.


Ang nasabing launching ng Pilipinas Agila Tires ay dadaluhan din ng ilang mga motorcyle dealers para na rin maka-suporta at maka-tulong itaas ang produktong pinoy. Nawa ang gulong na ito ay maging sikat sa bansa at makilala din sa buong mundo.

Ayon kay Sec. Manny Pinol, mayroong dalawang taon na rin ang lumipas ng inorganisa ng Department of Agriculture ang produktong ito na gawa ng Philippine Rubber Farmers Cooperative (PRFC).


Nag-loan ang PRFC sa Agriculture Credit Policy Council ng 10 milyong piso sa programa ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry, ang isa sa mga pinaka bagong brand ng motorcycle tires na halos 100% na gawang pinoy na ginamitan lamang ng local rubber na galing sa Pinoy Farmers Kaya sa mga nagmo-motor, bakit hindi natin bumili ng gulong na gawa sa atin, alamin natin ang tibay, at subukan ang gulong na may tatak pinoy!



error: Content is protected !!