Ito ang paliwanag ni Erik Matti kung bakit si Nadine Lustre ang gusto niyang gumanap na Darna



Ilan sa mga napag-uusapan ngayon sa social media ay kung sino nga ba ang maaaring pumalit kay Liza Soberano sa role na Darna ng ABS-CBN. Dahil sa natamong injÜry ni Liza sa fantaseryeng ‘Bagani’, ito ang naging dahilan upang umatras siya sa napaka-gandang role.


Ang gumanap na role bilang Darna ay isang karangalan para sa mga artistang babae. Sinisimbolo ni Darna ang pagiging malakas ng isang babae, kaya naman hinahangaan ito ng maraming tao. Kumbaga ay parang Pinoy version ng ‘Wonder Woman’ si Darna.




Marami ang nalungkot dahil sa pag-urong ni Liza Soberano sa role na Darna. Kaya marami ring mga katanungan kung sino ba ang babagay sa role na ito. Isa na si Erik Matti na isang Direktor na matibay na pinipili na si Nadine Lustre ang babagay sa role na Darna. Ito ay dahil na rin sa taglay na pisikal na itsura ni Nadine na swak sa pagiging Darna.


Ayon sa isang Interview sa PEP.ph, dito sinabi ni Erik Matti kung bakit si Nadine ang pinili niya. Ang interview ay naganap sa Valencia Events Place, Quezon City. Ito ay sinabi niya sa mediacon sa pelikulang Kuwaresma ng Abril 23, Martes.



Ito ang naging pahayag ni Erik Matti:
“Ang feeling ko lang, si Nadine yung babagay talaga sa tipo niya, sa tipo na role ni Darna,”

“Hindi talaga pupuwede yung model-model, para sa akin, ha? Hindi puwede ang beauty queen.


Sa pagkakataong ito ay sinabi ni Erik Matti na kayang-kaya ni Nadine Lustre ipakita ang pagiging ordinaryo dahil isang ordinaryong tao si Narda.


Ayon pa kay Erik Matti:
“Para sa akin, si Narda sa pagkakakilala natin ay ordinary siya, e. Ordinaryong bata na nagkaroon ng superpower.



“So, kailangan mo, yung casting na pag ordinaryo siya, ordinary talaga ang hitsura niya.

“So, ang kayang maging ganoon, si Nadine. Puwede siyang ordinary na Filipina, di ba?


“’Tapos, kapag naging superhero, puwede ring sexy na matapang, may dating, di ba? Yung ganoon.

“Wala na akong ibang naiisip, yun na yun. Kasi, kailangan mo rin yung physical… di ba?



“E, si Nadine, ma-workout.”

Sinabi pa ni Erik Matti na okay lang na magback-out si Liza para maasikaso ang sarili.
Ito pa ang sinabi niya:
“Well, okey lang yun na unahin niya iyung sarili niya muna, di ba?

“Kasi siyempre, pag nagsimula na sila sa Darna, mahirap din yun.


“Kasi, two years din yun sa kanya, di ba?”