Ito ang video ng pag-arte at pag-gaya ni Baby Malia sa ginagawang pag-ubo ng nanay niyang si Pokwang



Ang pagiging ina o pagkakaroon ng anak ay mahirap pero punong-puno ito ng kaligayahan. Ang mga sanggol ay tila ba parang mga anghel. Lalong-lalo na kapag ngumiti, tila ba tinatanggal lahat ng pagod at kalungkutan na nararamdaman.



Ang pagkakaroon ng anak ay isang biyaya. Hindi lahat ng mag-asawa ay pinapalad na magkaroon ng anak. Kaya dapat lamang na ibigay ang pagmamahal sa mga anak at gampanan ang pagiging magulang upang lumaki ito ng malusog at maayos.


Habang lumalaki ang mga sanggol, kung ano ang nakikita niya sa mga magulang niya ay siya ring ginagaya. Kaya mas mainam kung makikita ng mga anak ay ang kabaitan ng isang magulang. Mas mabuti rin kung makikita ng mga anak na madalas na naka-ngiti ang mga magulang. Sa paraang ito ay magiging masayahin din ang inyong mga anak. Isang video ng isang sikat na artista ang napag-uusapan ngayon. Ito ay ang video ni Pokwang kasama ang kanyang anak na si Baby Malia.


Si Marietta Subong na mas kilala natin sa pangalan na Pokwang ay ipinanganak noong ika-27 ng Agosto taong 1970. Nakilala si Pokwang sa pagiging komedyante sa ABS-CBN. Bukod pa sa pagiging komedyante ay isa rin siyang TV Host at Singer.

Mayroong tatlong anak si Pokwang, isa na dito si Baby Malia. Ang pakikipag-relasyon ni Pokwang sa mga lalaki noon ay nagdulot sa kanya ng kalungkutan. Noong una ay nagkaroon siya ng anak sa isang hapon, ngunit binawian ng buhay ang bata dahil sa komplikasyon sa utak. Ito na rin marahil ang naging dahilan kung bakit naghiwalay sila. Sumunod ay isang hapon ulit, at nagkaroon sila ng anak na ang pangalan ay Ria Mae. Katulad ng una ay naghiwalay din dahil may pamilya pala ang lalaking ito sa isang koreana.



Naging mahirap man ang pinag-daanan niya, nagkaroon naman siya ng mabuting asawa ngayon. Kapiling niya sa buhay ngayon ay si Lee O’Brian na nakasama niya sa isang pelikula na “Edsa Woolworth”. Sila ay binayayaan ng napaka-cute na anak na si Baby Malia.

Nag-viral ang video na ibinahagi ni Pokwang kasama ang kanyang anak. Sa videong ito ay tinuturuan ni Pokwang ang kanyang Baby Malia umarte sa pag-gaya ng “pag-ubo”. Maraming tao ang natuwa sa nakaka-giliw na itsura ni Baby Malia.

 

View this post on Instagram

 

napaka arteeeee!!!! Husay mang gaya hahahahaahhaa

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on



Balang araw siguro ay magiging artista ang anak ni Pokwang. Hindi malayo ito dahil artista ang kanyang ina at nagtataglay ito ng kagandahan.




error: Content is protected !!