Kahanga-hanga naman ang mag-asawang ito sa Brazil na nakapagtanim ng 2.7 milyonh mga puno sa loob ng 20 taon para mabuhay muli ang isang patay na gubat!



Matapos ng kakaibang karanasan ng photographer na si Sebastião Ribeiro Salgado sa Rwanda na mula sa Brazil ay talaga namang nananabik na itong bumalik sa kaniyang tahanan sa Minas Gerais, Brazil upang makapagpahinga at makapagrelaks sa berdeng gubat doon. Siya ay naitalagang kuhanan ang mga insidente ng “genocide” sa Rwanda. Ang karanasan niyang ito ang nakapagdala sa kaniya ng kakaibang takot.


Taong 1994 nang siya ay bumalik sa kanilang tahanan at ikinagulat niyang lubos na ang maganda at berde nilang kagubatan ay nasira na dahil sa labis na pamumutol ng mga puno rito at labis na “deforestation”. Lubusan ang kaniyang pagkalumo dahil sa halos wala nang natira sa dating mayabong nilang kagubatan.




Dagdag pa niya, may sakit ang kagubatan tulad ng kaniyang nararamdaman noon. Tanging .05% na lamang ng kagubatan ang mayroong puno noon. Ang kaniyang misis nga na si Leila ay nagkaroon ng napakagandang ideya na magtanim muli sa kagubatan. Nang simulan nilang mag-asawa ang kanilang plano ay nagbalikan nga ang mga hayop at mga insekto sa kagubatan na naging dahilan rin ng pagdami, pag-usbong, at paglago muli ng mga puno. Hindi lamang ang kanilang kagubatan ang nabuhay muli kundi maging ang kaniyang sarili.


At nagsumikap nga ang mag-asawang makapagtanim ng maraming mga puno sa kanilang kagubatan. Bagamat napakaimposible ng kanilang plano ay pinagtulungan at pinagsumikapan nilang dalawa ito. Inilunsad ng mag-asawa ang “Instituto Terra” noong 1988, isang organisyong nagtatrabaho ng bawat oras para lamang muling mabuhay ang nasirang kagubatan. Nagkaroon sila ng mga taga-suporta at mga volunteers upang matulungan silang masustentuhan at mapondohan ang kanilang proyekto.

Mula noon ay nakapagtanim na sila ng higit sa 2.7 milyong mga puno, 293 na mga puno ang ikinalat sa 1,502 ektarya ng nasirang kagubatan at talaga namang naging bago at malagong kagubatan ito. Kamangha-mangha talaga ang ginawang proyekto ng mag-asawang ito!






error: Content is protected !!