Ogie Diaz: “Hayaan nyo munang ma-enjoy ni Julia Montes ang kaniyang pagiging ina.”



Sa gitna ng mga usapin patungkol sa diumano’y panganganak ni Julia Montes, nagbahagi ng kaniyang komento si Ogie Diaz sa social media. Kung ikaw ay tagasubaybay ng sikat na komedyante ay tiyak na alam na nila ang “Mama Ogs Says” na post. Ito ay patungkol sa mga komento at opinyon ni Ogie Diaz sa mga kasalukuyang usapin sa mga nangyayari sa ating bansa at maging sa mga balitang showbiz at iba pa.



Sa kamakailan lamang na post ng “Mama Ogs Says” nagbahagi siya ng kaniyang komento patungkol sa diumanong pagsisilang ng aktres sa panganay nila ng aktor at direktor din na si Coco Martin. Walang pagpapanggap niyang sinabi na hayaan na lamang ng publikong ma-enjoy ni Julia ang kaniyang pagiging ina at mangyayari din naman ang nais nilang pag-amin at pagsasalita nito sa tamang panahon.

Dagdag pa ng kilalang talent manager, dapat diumanong hayaan na muna ng mga tao na magkasama ang mag-ina at ma-enjoy nila ang isa’t-isa. Naibahagi din ng komedyante ang kaniyang karanasan bilang isang ama.


Maraming mga bali-balitang nagsilang na nga diumano si Julia ng sanggol at sa kabila ng pagkokomento ng mga “showbiz insider” ay nananatiling tahimik at tikom ang bibig ng aktres. Sa kabilang banda ay nagbigay na rin naman ng komento ang sinasabing ama ng sanggol ni Julia Montes at sinabing hindi kailanman naging kabaklaan o kaduwagan.


Tunay nga na ang pagiging ina ay isang biyaya at isa rin namang malaking responsibilidad at hamon sa maraming mga tao lalo na sa mga kababaihan. Kung kaya naman malaki ang pagpapasalamat at respeto ng mga tao sa mga ilaw ng tahanan kung kaya naman mahalaga para sa isa ring magulang na si Ogie Diaz na magkaroon ng sapat na panahon si Julia Montes at ang kaniyang anak kung sakali mang totoo ang mga bali-balitang siya nga ay nagsilang ng kanilang panganay ng aktor na si Coco Martin. Anuman ang katotohanan ay tiyak na lalabas at lalabas din ito sa takdang panahon.






error: Content is protected !!