LTFRB: Pinapayagan na ang mga alagang hayop na sumakay sa mga pangpublikong sasakyan!



Ayon sa Memorandum Circular No. 2011-004 MC 2019-019 nang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na nagpapahintulot sa mga “pet” o alagang hayop na bumiyahe at sumakay sa mga “public utility vehicles” o PUVs.  At ito ang mga probisyong nakapaloob rito:



1. Mga mga alagang hayop ay dapat nasa isang kulungan o carrier at dapat ilagay sa animal compartment ng PUV lalo na kung mayroong iba pang mga pasahero.
2. Kung wala namang ibang pasahero ay maaaring bitbitin o hawakan na lamang ng pasahero ang kaniyang alaga basta’t walang mabahong amoy ang hayop at mapapanatili ng may-ari ng hayop ang kalinisan ng sasakyan habang sila ay lulan nito.
3. Ang mga pasaherong nagmamay-ari ng mga hayop na ito ay responsable sa paglilinis at sa sanitasyon ng nasabing pampublikong sasakyan.
4. Hindi rin dapat masakripisyo ang kaligtasan at kaginhawaan ng iba pang mga pasahero.

Ang mga Pilipino ay kilala bilang pet lovers o yung mga mahihilig at mapagmahal sa mga alaga nilang hayop. Kung dati rati ay iniisip at pinoproblema pa na maraming mga Pinoy ang kanilang gagawin sa kanilang mga alaga lalo na kung kailangan nilang isakay ang mga ito sa mga pampublikong sasakyan, ngayon ay mas magiging maayos na ang ganitong usapin dahil sa bagong batas na naipatupad patungkol sa pagsasakay ng mga alagang hayop sa mga “public utility vehicles” o PUVs.




Tiyak na hindi na mamomroblema pa ang maraming mga Pilipino lalo na’t dumarami na rin ang mga Pinoy na nag-aalaga ng iba’t-ibang uri ng mga hayop ngayon. Mayroon nang batas na magiging gabay nila lalo na sa pang-araw-araw nilang gawi kasama ang kanilang mga alagang hayop. Basta’t huwag lamang kalilimutan ng bawat isa ang respeto at paggalang sa kanilang kapwa tao o maging sa mga hayop ay tiyak na magkakaroon ng malaking pagbabago sa ating bayan. Mas nagkakaroon na tayo ng pagpapahalaga at pagmamalasakit hindi lamang sa mga tao kundi maging sa mga alaga rin nating hayop.






error: Content is protected !!