Silipin natin ang bakasyon nina Sunshine Cruz at ng kaniyang mga anak sa Batangas!



Nagdiwang nga ng Linggo ng pagkabuhay ang aktres na si Sunshine Cruz at ang kaniyang mga anak sa Batangas kamakailan lamang. Kasama ng aktres ang kaniyang mga anak na sina Angelina, Sam at Chesca sa Nasugbu, Batangas. Nagbahagi naman ng mga larawan sa kaniyang social media account ang aktres kasama ang kaniyang naggagandahang mga anak.


Kapansin-pansin naman ang naggagandahang mga kutis at pigura nilang mag-iina. Talaga ngang nananalaytay sa kanilang dugo ang dugo ng isang artista na kitang-kita naman sa kanilang mala-anghel na mga mukha. Hindi man biro ang kanilang mga pinagdaraanan sa kanilang personal na buhay lalo na sa usaping pamilya ay talaga namang kakikitaan mo sila ng kasiyahan sa kanilang mga mata.




Ang ganda ng mag-iina ay sumasabay sa ganda ng paraiso na kanilang pinuntahan. Sino ba naman ang mag-aakalang mag-iina sila hindi ba? Aakalain mong nakatatandang kapatid lamang nina Angelina, Sam at Chesca ang kanilang ina na si Sunshine Cruz.


Si Sunshine Cruz ay 41 taong gulang na aktres at mang-aawit. Kabilang din siya sa angkan ng mga Cruz sa industriya ng show business. Ikinasal siya noon sa aktor na si Cesar Montano taong 2000 at taong 2013 naman nang napawalang-bisa ang kanilang kasal. Sila ay biniyayaan ng tatlong mga anak na babae na pinangalanan nilang Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca.





Maraming mga netizen ang namangha at napabilib na sa kabila ng edad ay napanatili pa rin ni Sunshine ang kaniyang magandang pangangatawan. Ang ilang mga netizen pa nga ay nagulat na siya ay 41 taong gulang na pala.




Mas marami naman ang nabibigyan ng pag-asa at inspirasyon na kahit pa isa ka nang magulang o di kaya naman ay masyado kang abala sa mga bagay bagay sa iyong kapaligiran o sa mga bagay na iyong tinatangkilik, hindi naman ito maging dahilan upang makalimutan at mapabayaan ang iyong sariling katawan at kalusugan.






error: Content is protected !!