Yam Concepcion, ipinasilip ang kanilang napakaganda at kahanga-hangang tahanan sa Parañaque City!



Ang tahanan kung saan kasalukuyang naninirahan si Yam Concepcion ay nasa gitna ng tahimik na nayon sa lungsod ng Parañaque. Ayon pa sa aktres, ito ang tahanan ng kaniyang pamilya kung saan siya lumaki. Naibahagi din niya sa isa sa kaniyang mga panayam na noong nag-aaral pa siya sa Assumption College sa San Lorenzo Village ng Makati City ay umupa ng isang bahay ang kaniyang ina sa loob ng San Lorenzo ngunit tuwing Sabado at Linggo naman ay naroon sila sa kanilang tahanan.


Nais din ng 28 taong gulang na aktres na magkaroon pa siya ng maraming masasayang ala-ala sa bahay na ito dahil sa mula ng bata pa lamang siya ay marami na siyang maliligaya at hindi matatawarang karanasan dito. Isang “wooden double door” ang pangunahing pasukan ng kanilang tahanan. Pagpasok na pagpasok mo ay bubungad sa iyo ang malawak nilang sala. May kabuuang sukat ang kanilang lote na 800 metro kuwadrado at 1,000 metro kuwadrado naman ang floor area kasama na ang ikalawang palapag ng bahay.




Marami din namang mga puno ang at halaman ang kanilang hardin. Mayroon silang garahe na kasya ang apat na mga sasakyan. Pag-amin pa ni Yam, anim na taon na siya sa industriya ng show business ngunit noong nakaraang taon lamang siya nakabili ng sarili niyang sasakyan na isang Hyundai Starex Van. Nasa car business at car appraisals ang kaniyang pamilya at mayroon din silang office space rental business. Mayroong pitong palikuran ang buong bahay.


Mahilig din magpinto si Yam, kung hindi buong pangalan niya ang inilalagay niya sa kaniyang mga pinta ay ang mga initial niyang YC. Bagamat inamin niyang wala siyang pormal na pag-aaral sa pagpipinta ay nais niya pa ring pagtuunan ito ng oras at panahon sa mga susunod pang taon. Dahil sa mahilig silang magkakapatid sa musika, mayroon silang koleksyon ng mga vinyl at maging mga casette tape.


Mayroon ding music studio ang kanilang tahanan dahil miyembro ng banda sina Yam at Ced. Inamin din ng aktres na kapag masama ang loob niya o kaya naman ay galit, mas minamabuti niyang daanin na lang sa pagpipinta at sa musika ang kaniyang nadarama. Mayroon din namang dalawang “dirty kitchen” ang bahay at ang isang kusina pa nga ay pinangalanang “Yam’s Kitchen”. Ito ang paboritong parte niya ng kanilang tahanan. Hilig niya ang paglulito ng mga pasta, steak at appetizer. Taong 2015 nang magtapos siya ng kaniyang kursong culinary arts sa The Center of Culinary Arts Manila sa Quezon City.




Mayroon din namang anim na kwarto ang kanilang tahanan. Nakakonekta ang kwarto ng aktres sa isa pang kwarto kung saan naroroon ang kaniyang koleksyon ng painting at vinyl. Ngunit dahil sa abala siya ngayon at madalang na siyang nakakatulog dito. Kadalasang sa sasakyan na lamang siya nakakapagpahinga at nakakatulog. Ang lolo ni Yam ang nagdisenyo at nag-renovate ng tahanan nilang ito na mula pa noong 1980 nila tinitirahan.



Pagbabahagi pa ng aktres, ang nais niya sa kaniyang magiging tahanan ay hindi masyadong malaki ngunit madaling mapanatili ang kaayusan, nais din niya ang maraming mga bintana at may natural na liwanag na pumapasok.

Pangarap din niyang maging repleksyon ng kaniyang personalidad at pagkatao ang magiging bahay niya.




error: Content is protected !!