Hinangaan ng publiko ang dedikasyon ng mga gurong ito dahil sa umaakyat pa sila ng bundok para lamang makapagpasa ng kanilang mga report online!



Ang mga pangpublikong guro sa Leyte ay nagpakita ng kanilang labis na determinasyon at dedikasyon sa napili nilang propesyon. Sa social media account ng isang netizen na nakilala bilang si Joseph Sumayang ibinahagi niya ang ilang larawan ng mga guro sa pangpublikong paaralan nakaupo sa damuhan na mayroong papel at laptop sa kanilang tabi. Aakalain mong nagpipicnic lamang sila ngunit ang katotohanan ay tinatapos pala nila ng kanilang mga requirement at report.


Ang mga guro na ito ay napag-alamang mula pa sa Libertad, Abuyog, Leyte. Kinakailangan pa nila na umakyat ng bundok o di kaya naman ay umakyat ng puno para lamang makahanap ng maayos na koneksyon ng Internet upang makapagpasa sila ng kanilang mga report.




Sa halip na nasa mga lamesa sila at maginhawang nag-aayos at nagtatapos ng kanilang mga gawain ay nasa damuhan sila at nakaupo sa lupa upang makahanap ng maayos na koneksyon. Kasama naman ng mga larawang ibinahagi ng nasabing netizen ang kaniyang mga pahayag na:


“To those who will see these pictures, please help us have better signal in Brgy. Libertad, Abuyog, Leyte. The teachers in our school need to climb mountains to find signal, so they can use the internet and submit their reports. Thank you very much.”



Marami nga ang naantig at humanga sa mga guro na ito dahil sa dedikasyon at determinasyon nila sa kanilang propesyon. Noong nakaraang taon naman ay naglunsad na ng proyekto ang Kagawaran ng Edukasyon upang matulungan ang mga guro para sa maayos nilang koneksyon ng Internet at mas matulungan sila na mapagaan ang kanilang mga gawain sa labas ng paaralan at pagkatapos ng kanilang mga klase.


Ito naman ang naging pahayag ng Education Undersecretary for Administration na si Alain del Pascua “We have allotted P1-billion fund for the said program and we’ll be trying all platforms and devices to deliver internet connectivity to schools such as broadband, satellite, etc.”





error: Content is protected !!