Isang lalaki ang tinanggihan sa alok ng kasal, sa babaeng binigyan niya ng kidney upang mabuhay



Hanggang saan ang kaya mong ibigay sa taong mahal mo? Handa mo bang i-alay ang iyong sarili? Handa mo bang ibigay ang lahat para sa kanya? May mga pagkakataon na nasusukat kung gaano natin kamahal ang isang tao. Nagagawa ang sukatan na ito sa pamamagitan ng pagsasakripisyo. Ang katotohanan ay ang pagmamahal ay hindi lamang kaligayahan bagkus kasama rin ang mga pagsubok sa buhay.


May isang istorya na magpapa-tunay na mayroong wagas na pagmamahal at handang i-alay ang kanyang sarili para sa taong minamahal niya. Ang istoryang ito ay naganap sa South London at naging usap-usapan sa social media. Ang dalawang ito ay magka-kilala pa noong 90’s pero tanging halik lamang ang nangyari sa kanila.




Dalawang dekada na ring magkaibigan sina Simon Louis at Mary Emmanuella. Si Simon ay may edad na 49 at si Mary naman ay may edad na 41. Isang stockbrocker secretary si Mary at inaalagaan ang kanyang anak na lalaki na si Dwayne. Si Simon naman ay isang music event organizer kasama ang kanyang kapatid na lalaki. Sa paglipas ng panahon, nananatili pa rin ang pagmamahal ni Simon kay Mary sa katunayan ay palaging nagbibigay ng bulaklak at tsyokolate si Simon tuwing sasapit ang araw ng mga puso.


Taong 2014 ng nakita ni Dwayne ang kanyang ina na sa sahig na nabubulunan sa sariling suka. Ang kaganapang ito ang nagmulat sa kanila na may end-stage kidney na sakit si Mary na nangangailangan ng Kidney Transplant. Ang problema pa ay mahirap makahanap ng donor dahil B-Negative ang dugo ni Mary at mahirap hanapan ng kaparehas nito.





Ito ang sinabi ni Mary:
“I couldn’t believe it – I had been given a d€ath sentence. My name was put on a ‘d€ad donor’ list. I could only wait.”



Sa pagkakataong ito ay ipinadama ni Simon ang kanyang pagmamahal kay Mary. Palaging binibisita ni Simon si Mary upang alagaan siya. Pinapakain niya ito at pinapaliguan. Madalas pa ay nananatili siya ng magdamag upang aalagaan si Mary. Kaya naisipan niya na baka pwede ang kanyang kidney sa transplant at kung pwede ang kanyang blood type. Sa kabutihang palad ay pwede si Simon na maging donor ng kidney at naging matagumpay ang operasyon nilang dalawa. Sa pagpapagaling nilang dalawa, si Simon ay nag-propose ng kasal kay Mary ngunit tinanggihan ito ni Mary.



Ayon kay Mary:
“I let him down gently by saying I’d have to think about it.



“I think I’d worry if we got married it would in some way damage our special friendship and also I don’t want to get wed until I’m fully better health-wise.”



Masakit man marinig ng isang lalaki ang pagtanggi sa babaeng minamahal. Hindi naman pinagsisihan ni Simon ang kanyang ginawa dahil mahal niya si Mary.

Ayon kay Simon:
“I didn’t think twice about it. There’s no question about doing something like that for someone you love.”




error: Content is protected !!