Isang lalaki na taga-Guimaras ang naka-kita at nagbalik ng isang Waterproof Case na naglalaman ng mamahaling nga gamit



Sa hirap ng buhay na nararanasan ng ibang mga tao, minsan ay napapa-isip na lang na sana ay makapulot ng isang bag na naglalaman ng maraming pera. Pero kahit malayo sa katotohanan ang pagiisip na ito, masasabing mali pa rin umangkin ng bagay na hindi sa atin. Mas mabuti pa rin kung galing sa ating pagsisipag makuha ang inaasam na ginhawa ng buhay.


Katulad na lamang ng isang 20 anyos na lalaki, na isang BIT Automotive graduate na gumawa ng isang kabutihan na pinuri ng maraming tao sa social media. Ang lalaking ito ay si Nichol Tagudin na nakatira sa Brgy. Umilig, Buenavista sa probinsya ng Guimaras.




Naganap ang kabutihan niya noong siya ay naka-pulot ng isang Pelican Case na naglalaman ng mga mamahaling mga gamit. Ayon sa kwento, nangingisda siya kasama ang kanyang ama sa dagat ng Guimaras, ng napansin niyang may palutang-lutang na Pelican Case. Kinuha niya ito at na-isipan na buksan upang makita ang laman. Nakita niya na ang laman ng case ay mga mamahaling gamit katulad ng iPhone XS Max 256 GB, Power Bank, at iba pang mga gamit.


Imbis na masilaw at matuksong angkinin ang mga natagpuang gamit, humanap siya ng paraan upang maibalik ito sa may tunay na may-ari.  Ang mga nasabing gamit ay pagmamay-ari pala ng isang 14 taong gulang na lalaki na ang pangalan ay Ethan Atienza. Malayo na rin pala ang narating ng case dahil nalaglag ito ng nakasakay sa Jetski sa may Lakawon Island, Cadiz City papuntang Manapla, Negros Occidental. Ibinahagi ang kwentong ito ng ama ni Ethan na si Giff Atienza. Namangha si Giff sa taglay na kabaitan ni Nichol sa pagsoli ng mga gamit na nawala ng kanyang anak.


Ayon sa post ni Giff Atienza, anim na araw din ang itinagal ng pagkawala ng gamit ng anak ng may nagsabi sa kanila na may naka-tagpo nito sa Guimaras. Malayo din ang nilakbay ng case dahil 50 milya ang binaybay nito sa dagat. Kaya naman pinuntahan ng mag-amang Atienza ang nawalang gamit mula Bacolod City papuntang Guimaras para makuha ang gamit at pasalamatan na rin ang naka-tagpo ng case. Sa pasasalamat nila ay binigyan nila si Nichol ng Php 11,000 bilang pabuya sa kabutihan na ginawa niya. Inalok din siya ng trabaho dahil napag-alaman nilang nahhahanap si Nichol.


Pinarangalan din ni Giff Atienza ang mga magulang ni Nichol. Ang sabi niya:
“Your school, your parents, your friends and everyone around you is very proud of you! Thank you Nichol! “And to your proud parents FLORENCIO TAGUDIN JR. and VICKY TAGUDIN you raised your son very well, God Fearing and again, Honest! Thank you and may God Bless You always!”


Saludo kami sayo Nichol! Sana ay maraming tumulad sa ginawa mong kabaitan!






error: Content is protected !!