Ito ang ‘Aquarium Toilet’ na isa sa mga nakaka-bilib na tourist attraction ng bansang Japan



Kapag may negosyo, madalas mag-isip ng mga pakulo o kahit anong pwedeng maging kakaiba upang makahatak ng mga tao. Ito ay malaking pala-isipan sa mga may business kung paano tatangkilikin ng publiko ang iyong pinagkaka-kitaan.



Karaniwan sa mga negosyong kinakailangan ng ganito ay mga kainan o restaurant. Upang puntahan at balikan ang restaurant, bukod sa sarap ng pagkain, kinakailangan na may kakaiba upang hanapin muli at mai-kwento sa iba.


Pero may nakita na ba kayong restaurant na ang CR nila ang panghatak nila sa tao? Itong kakaibang CR na ito ang naging dahilan kung bakit sikat na sikat ang isang restaurant sa Japan. Naging tourist attraction na rin ang CR na ito dahil sa kakaibang karanasan na mararamdaman. Ang CR na ito ay napapalibutan ng Aquarium, ang kilalang Aquarium Toilet sa restaurant na Hipopo Papa Cafe ay matatagpuan sa Hayashizaki Matsye Coast sa Akashi-shi, Hyogo Prefecture, Japan. Ang toilet na ito ay napapalibutan ng tatlong aquarium na ginawang pader. Kaya kapag ikaw ay umupo sa trono upang maginhawaan, makikita mo ang kagandahan ng aquarium habang pinagmamasdan ang mga lumalangoy na isda.


Hindi lamang isda ang napapaloob dito, may mga lalaking mga pagong ding makikita na siguradong kaaaliwan. Tumatayang $270,000 ang ginastos para magawa ang Aquarium Toilet. Hindi naman bago ang Hipopo Papa Cafe, sa katunayan nga ay 12 na taon na ito katagal. Ginawa nila ang Aquarium Toilet upang maging panghatak pa nila ng tao. Dahil dito ay naging in-demand na tourist attraction ito sa Akashi Area.



Naging inspirasyo ng may-ari ng restaurant na gawin ang Aquarium Toilet upang mabigyan ng pakiramdam ng kaginhawaan na tila ba parang nasa loob ka ng tubig. Sa ganda ng CR ay siguradong mahana ang pila palagi dito. Malamang ay katukin ka ng kasunod mo kapag sobrang tagal mo sa Aquarium Toilet.




error: Content is protected !!