Categories: AmazingViral

Ito ang mga Chinese na mga trabahador na natulog sa ‘Transmission Tower’ sa taas na 160 feet sa kanilang break time

Takot ka ba sa mga matataas na lugar? Inaayawan mo ba ang matatarik na lugar? Takot ka bang sumakay ng ‘Ferris Wheel’? Natatakot ka bang sumakay ng eroplano? Karaniwan sa mga takot sa matataas na lugar ay tinatawag na Acrophobia. May ilan sa atin ang mga takot na takot sa mga matataas na lugar pero para sa mga taong ito, hindi uso sa kanila ang takot na ito.


Isang video ngayon ang napag-uusapan patungkol sa mga trabahador na Intsik. Ang nag-viral na video ay nakuhanan sa isang transmission tower sa South China habang ang grupo ng mga trabahador na Intsik ay natutulog sa taas na 160 feet.


Makikita sa video na ang mga trabahador ay naka-suot ng full-body safety harnesses na naka-kabit sa pylon. Nakaka-aliw pagmasdan ang mga trabahador na natutulog habang naka-sandal sa mga steel bars ng Transmission Tower. Wala talaga silang takot at sigurado silang kaya nilang matulog kahit halos naka-tayo sila.


Ayon sa report, kinuhanan ang mga natutulog na mga trabahador sa kanilang break time. Ang trabaho nila noon ay mag-install ng power lines.  Ang trabahador na nag upload ng video na nag-viral ay si Xiao Jiang na taga-Chenzhou. Ginamit nito ang video app na Kuaishou na naging dahilan ng pag-sikat ng video.


Ayon sa Beijing News, ang mga trabahador na ito ay umaakyat ng Tore araw-araw at gamit lamang ang kamay at paa.  “Since it’s really tiring to climb up the tower, we would only climb back down to ground level for our lunch,” ito ang sinabi niya sa mga reporters.  “For short breaks like these, we would just stay on the tower and take a nap,” idinagdag pa niya.


“It was really scary for me at first, but thanks to the safety harnesses, I got used to it pretty quickly,” sabi pa niya.  Maraming netizens ang nagbigay ng reaksyon patungkol sa nag-viral na video. Ang iba ay natatakot para sa kanila ang iba naman ay nabilib.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago