Ito ang naging pagdiriwang ng kaarawan ni Kim Chiu, kasama ang kanyang pamilya, sa Balesin Island



Si Kim Chiu ay isa sa mga hinahangaan nating Kapamilya na aktres. Sumikat siya noong siya ay nanalo sa sikat na ‘Pinoy Big Brother’ sa pinaka-unang teen edition. Ang buo niyang pangalan ay Kimberly Sue Yap Chiu na may dugong Filipino at Chinese. Ipinanganak siya noong ika-19 ng Abril taong 1990.


Maraming sumusubaybay sa kanyang mga social media accounts sa kanyang mga nagiging travel kasama na rin ang kanyang kasintahan na si Xian Lim. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang naging pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa isang beach. Ang chinita na aktres ay ipinagdiwang ang kanyang ika-29 kaarawan sa Balesin Island Club kasama ang kanyang pamilya.




Makikita sa kanyang Instagram account ang mga litrato ng kanyang pamamasyal. Sa isang litrato ay makikita ang suot niyang pulang swimsuit na may caption:
“Because yesterday was Good Friday, I took a social media day off to honor and reflect on how Jesus diéd for us and at the same time it was my day of birth. I just want to say THANK YOU to the man above for giving me this wonderful life!”


Nagbahagi din si Kim Chiu ng mga iba pang mga larawan na talagang pinuri ng kanyang mga taga-hanga. Maraming mga fans ang nagsabi na ‘blooming’ siya. Makikita rin na maganda ang kanyang pangangatawan.



Makikita din sa isang video ang pagsakay niya sa kabayo. Maraming netizens ang namangha sa galing niya sa pagpapatakbo ng kabayo sa dalampasigan.


Ito ang sinabi ni Kim Chiu sa kanyang post sa Instagram:
“BEACH LIFE!!! Never been at the beach this long, surprisingly feels really good!!! soul rejuvenated, dreams renewed. just me, the sun, the sky and the sea! Thankful for family and friends with me here,”



Hindi man kasama ni Kim Chiu ang kasintahan na si Xian Lim, masaya ang dalaga dahil naka-sama niya ang kanyang pamilya sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan.




error: Content is protected !!