Naging usap-usapan ng marami ang “Chongqing building” na ito na mayroong 24 na palapag ngunit walang “elevator”!



Naranasan mo na bang umakyat nang hanggang ika-24 na palapag ng isang gusali o establisyemento? Mahirap at nakakapagod kung tutuusin hindi ba? Ngunit natural na lamang ito sa mga residente sa munisipalidad ng Chongqing.


Umani ng maraming mga reaksyon at komento mula sa mga netizen ang video clip na ito ng isang residential building sa Southwest China na wala man lang elevator kahit pa 24 na palapag ang nasabing gusali!




Marami ang nagulat, nagtaka at nabahala dahil sa dami ng hagdan na dapat mong akyatin lalo na kung ikaw ay nasa mataas na parte ng gusali. Narito ang ilang komento ng mga netizen:
“I will be weak and limp by halfway!”
“What if I got lost in the puzzling stairs?”
“Wow! I want to give climbing it a shot!”


Ito naman ang naging pahayag ng isa sa mga residente ng nasabing gusali na walang taon nang naninirahan rito:
“At first I was so tired that my leg shook a lot when I was climbing the stairs. But I found it was okay after I got used to it.”


Talaga namang namangha ang maraming mga netizen sa mga gusali ng munisipalidad na ito kung saan mayroong isang gusali na nasa itaas ng burol, o di kaya naman ay may karugtong na mga “skywalk”. Ang isang gusali pa nga ay mayroong tatlong labasan o “exit” kung saan ang mga ito ay dumideretso na agad sa mga kalsada. Mayroon din namang mga gusali na mayroong kalye sa bubong mismo nito at mayroon pang mga “transit stop”!


Ayon pa sa ilang mga residente, taong 1990 naitayo ang mga nasabing gusali at wala pang mga “elevator” noon dahil taong 1997 pa ng maimbento at maipakilala sa China ang “elevator”. Naitampok din naman ang ilan sa mga gusaling ito sa maraming mga pelikula at isa na nga rito ang “Chongqing Hot Pot” noong 2016 na kumita ng 58.4 milyong US dollar sa buong mundo!





error: Content is protected !!